Showing posts with label work. Show all posts
Showing posts with label work. Show all posts

Thursday, September 17

interview

minsan nakakapagod mag interview.

nakakatuwa minsan. kasi madami ka malalaman na information sa aplikante.

me mga sablay ang grammar, pronunciation at kung ano ano pa.

minsan pipigilin mo ang tawa mo.

pero minsan mahirap magpigil.

minsan maiiyak ka kasi nakwento na ang mala teleseryeng buhay na meron sila.

may ilan na magmamakaawa na tanggapin sila kasi kelangan ng trabaho.

hindi madali lalo na kung liligwakin mo.


madali kung magaling at pasado. pero pag baksak. gud lak!

kapagod pero masaya

Friday, April 3

anniv

march 21, 2005 ilang araw bago ako tumungtong ng entablado nung college ako...

sabi ng nanay ko na nagtatrabaho din sa "call center" (ngyon e 10 years na cia dito) e me opening sa account na kinalalagyan ko ngayon. nung una e mejo alangan cia na pagtrabahuhin ako kasi nga kakaiba ang mundo na gagalawan ko.. sabi ko naman.. at least me trabaho na agad...

sa madaling salita nag apply ako - infairness, dumaan din ako sa butas ng karayom no.. dinugo sa interview ng HR sa cellphone, sumakit ang ulo sa exam na pesteng keyboard e sing tigas ng bato ang mga letra... dinugo uli para sa huling interview at sa wakas walang alinlangang pumirma ng kontrata.

nag pa medikal din ako. pero di ako tumuwad sa harap ng mga doktor.. di ko bet.. di nga din ako nagpasa ng popoo para icheck nila.. e ang christina aguilera *dirty* kaya non...echos..

heyniweys, ayun na nga.. pagkatapos ng maghapon na orientation.. training na...

march 30, graduation namin nung college.. huminto pala ako ng dalwang taon bago nag aral ng kolehiyo.. pinagaralan ko kung pano ang pagpapasakit sa utak at alamin, kabisaduhin at guluhin ang kung ano anong software, hardware at programming (IT). sakit sa bangs.. nakipag-away pa ako sa ilang propesor dun.. nakipag duruan at sagutan sa isang baklang propesor na di marunong tumanggap ng pagkakamali.. tinuringan na psychology e di marunong tumanggap ng koreksyon.. naalala ko pa. di ako nag papraktis ng martsa.. mga 2ng beses lang ako nag praktis. nasita pa ako nung isang prof at bakit daw di ako umaattend, sabi ko "pasencia na sir may trabaho na ako.."

sa awa ng Dyos at sa tulong Nya e nakatapos ako at napatungtong ko ang nanay ko sa stage.. imagine nalang si mother nag paparlor pa at super baylamos ng new clothes at dahil dun muntik na ako malate sa graduation buti nalang at 5 tambling, 2 cartwheel at 1 split nasa rizal high school na ako (ang chaka ng graduation sa Rizal High.. nagkuripot..) pero mahalaga e nabigyan ako ng award sa kasipagan ko sa minor subjects at extra curricular activities.

salamat sa pamantasan ng lungsod ng pasig na ciang humubog sa akin (nakss!!!!).

salamat sa SYKES at ngayon e nandito pa din ako...

4 na taon na ang lumipas..

nagsimulang ahente... mejo tumabasa sr. ahente, naging trainer/quality coordinator at ngayon Bugaw! este Team Manager.. :P

ang history ko bago ma promote e 2-4 tries bago ko nakuha ang position.. mahirap ang pagdadaanan. ilang beses naging TYG bago nakuha ang position..

umiyak na din ako dito.. maraming beses.

ikaw ba naman ang mag encode ng sang damakmak na file dahil na overwrite.. diba?

ikaw na ang makahon at isipin na di ka pa ready..

buti nalang bumangon ako..

nangarap..

natanggap..

at ngayon..

dakila! LOL

4 na taon..

sana tumagal pa..

pero sana makaalis at makapag abroad!

pikpak momment:

noon:



ngayon:

Monday, March 23

toxic


after 3 days of RD's. im back to reality.

back to work.

monday is toxic.

i wish i can do 20 things at a time. hay.

sana nga lang.