Tuesday, December 30

family feud


pano nga ba kami nakasali? eto kwento:
nagkayayaan lang. 2 pinsan ni mommy nag-aya sakin na sumali. Nagpunta kami sa GMA7 - audition. Ang daming pamilyang nagbabakasakali manalo at makakuha ng pera tapos may exposure pa sa TV. :P
di ko naman lubos maisip na makakasali ako. sakin e trip lang di ko karir yun. tapos nandun na kami. 10 am natawag kami pasado ala-una na. putik. ang tagal. tapos sobrang sandali lang ang nangyari. ganon nga talaga ang buhay matagal ka maghihintay tapos sandali lang yung talagang gagaiwn mo dun.
umuwi kami pagkatapos. sabi tatawagan pagkatapos ng 2 linggo hanggang 1 buwan. pag di tumawag. LOTLOT na. wag na umasa.
natakot ako na ako tawagan kasi nasa BORA kami non. buti nalang tinawagan nila yung pinsan ko. aliw!
December 9 taping na daw kami.
ang bilis ng mga pangyayari...
sa simula ng taon, January 1 mapapanuod sa TV buong Pilipinas kasama na mga TFC subscribers sa pwedeng makapanuod nito. GMA7 kung walang cable at kung meron man ch. 12. 6pm.
watch kayo para malaman nyo kung nanalo kami..
sabi nga ni GOMA:
"the family that plays together, wins together! "

simulan na!


simulan na.

eto na naman ako. nagsisimula ng bagong blog. papasukin ko uli ang mundo ng online journal. parati naman kada papasok ang bagong taon meron tayong listahan ng mga pagbabago na gusto nating gawin. ang talamak na "new year's resolutions"

eto ang sakin - mga bagay na gusto ko baguhin o gawin :


  • magiging consistent sa pag blog - panindigan

  • magapapapayat - napagtanto ko na madaling kumain at tumaba kesa pigilin ang pagkain at pumayat. syet! (totoong weight - 157lbs.)

  • sa pagpapapayat - mage-excercise ako - balik loob sa badminton, swimming at running.

  • di na ako masyadong kakain ng rice o ng madami - oweh, paninindigan ko to.. another syet! kakayanin ko to

  • mag-aaral ako ng photography - dahil meron na ako sariling camera

  • mag-iipon na ako. dadagdagan ko ipon ko

  • magtravel abroad - kahit asia lang muna.

  • makabili ng tripod.

  • magbalik-loob sa pag akayat ng bundok

  • maging mabuting TM/empleyado

  • maging siryoso sa buhay

  • magkajowa. yung gusto ko - yung taga row1.

  • di na ako bibili ng shoes - promise last na yung kahapon yung leather na customized. promise walang katulad yun. dating 3k yun tapos chika pa ni ate model ang nagpagawa - tutsyal!

  • mapalakas pa paniniwala sa may likha sakin

  • maging mabuting anak, kapatid, pinsan, apo, kapitbahay, jowa, at kung ano ano pa.

syet, tigil ko na. dami ko na naman iniisip. isa-isa lang.


sana lang eto ang simula ng bagong buhay. simula ng bagong umaga. yes ang lalim ko na.. syet uli!