Showing posts with label weight. Show all posts
Showing posts with label weight. Show all posts

Monday, February 2

153-148=kaya ko pa ito!

nung january 9. nagdesisyon kami na maglaro ng "biggest loser". una lima lang kami na participantes tapos nadagdagan:

Jay - 189.5lbs
Bona - 132.5lbs
Flor - 119.5lbs
Ykhing - 151.5lbs
Tiege - 153lbs
Mike - 204lbs
Krizi - 207lbs
Howard - 203lbs

sa february 9, isusuot uli namin ang damit nung nag weigh in kami. sabi kasi ni ate nurse sa clinic dapat daw kung ano yung suot non, yun din ang gagamitin para tamang computation ng timbangan. ewan ko kung totoo nga.

simula nung january, nag diet ako. banana diet. oatmeal. every 4 hours na light meal and fruit everday!

nagkanin ko siguro konting konti.

mukha nga ako tanga di ako makakain dahil sa braces pero nakayanan at nakagawian na din dahil sa ganong ritwales.

kaya kanina nag timbang ako.

from 153lbs to 148lbs.

syet. 5 lbs ang nawala. wala pang isang buwan. kakaririn ko ito.

mapapasakin ang 4000 pesssssssoooosessss...

sana nga. maging malaki pa ang mabawasan sakin.

kariran na!

Tuesday, December 30

simulan na!


simulan na.

eto na naman ako. nagsisimula ng bagong blog. papasukin ko uli ang mundo ng online journal. parati naman kada papasok ang bagong taon meron tayong listahan ng mga pagbabago na gusto nating gawin. ang talamak na "new year's resolutions"

eto ang sakin - mga bagay na gusto ko baguhin o gawin :


  • magiging consistent sa pag blog - panindigan

  • magapapapayat - napagtanto ko na madaling kumain at tumaba kesa pigilin ang pagkain at pumayat. syet! (totoong weight - 157lbs.)

  • sa pagpapapayat - mage-excercise ako - balik loob sa badminton, swimming at running.

  • di na ako masyadong kakain ng rice o ng madami - oweh, paninindigan ko to.. another syet! kakayanin ko to

  • mag-aaral ako ng photography - dahil meron na ako sariling camera

  • mag-iipon na ako. dadagdagan ko ipon ko

  • magtravel abroad - kahit asia lang muna.

  • makabili ng tripod.

  • magbalik-loob sa pag akayat ng bundok

  • maging mabuting TM/empleyado

  • maging siryoso sa buhay

  • magkajowa. yung gusto ko - yung taga row1.

  • di na ako bibili ng shoes - promise last na yung kahapon yung leather na customized. promise walang katulad yun. dating 3k yun tapos chika pa ni ate model ang nagpagawa - tutsyal!

  • mapalakas pa paniniwala sa may likha sakin

  • maging mabuting anak, kapatid, pinsan, apo, kapitbahay, jowa, at kung ano ano pa.

syet, tigil ko na. dami ko na naman iniisip. isa-isa lang.


sana lang eto ang simula ng bagong buhay. simula ng bagong umaga. yes ang lalim ko na.. syet uli!