boracay - para sa ilan, isang islang masasabing paraiso dahil na rin sa taglay nitong ganda at pinong buhangin na marami ang nabibighani. naka ilang beses na din ako nakapunta dito. nung una, para akong tanga o sabihin na nating inosente. na masyadong naaliw sa ganda ng buhangin. nung una ako tumapak dito, sabi ko, "syet! paraiso nga!" pangalawang tungtung.. may konting bagbabago. nagkaroon na ng iba pang mga kainan at hotels. mejo dumami na ang tao... pangatlong punta.. ay mas dumami pa ang tao.mas dumoble ang pag tayo ng iba't ibang nag gagandahang hotels... pang apat na punta..
"syet.. ito ba ang nakagawiang paraiso?"
madami na ang nagbago... parang agos ng dagat.. mabilis na nawawala at kinakain ang mga buhangin pabalik sa malawak na karagatan.
nandun pa din ang walang kupas na pag aalok ng jet ski, island hopping, kite boarding.. pati ang pagtinda ng mga kahoy na inkukit ng mukha ni Hesus! Kaloka!
ciempre di matawaran ang pagkapuno ng Jonah's shake. na lahat ata ng tao na dumadaan dun e bumibili ng 90-100 pesos na shake. infairness naman kasi masarap.
sama mo pa ang isaw ni ate shiboli (tibo) na masarap ang sauce na talaga nga naman araw-araw na ginawa ng Dyos e kinakain namin.
meron ako nasubukan na bago. ang Zorb. kahit mahal e sinubukan ko na sumakay sa isang bolang pagugulungin pababa sa patag. (OA na description) pero yun talaga ang masaya. nasa loob ka ng bolang may 2 timbang tubig. at pagugulungin ka ng bonggang bongga!
ciempre di namin pinalampas ang SMOKE resto sa d mall talipapa. sa sizzling bulala na halagang 150 at mga rice meals na boggang sarap! panalo!
siempre minahal namin ang alas 3 na orasyon na pag lalako ng Julie's pandesal.. iba ang dulot na init ng pandesal na ito! nakaka inlove! :P
nag bago na ang paraiso. nag bago na ang panahon.
eto ang pictures:
Why do Filipinos have mirrors on their desks?
-
Being married to a foreigner opens up your eyes to things you never even
noticed about your country or fellowmen.
For instance, Jeroen wanted to know why...
9 years ago
No comments:
Post a Comment
sabi mo nga: