Thursday, September 17

interview

minsan nakakapagod mag interview.

nakakatuwa minsan. kasi madami ka malalaman na information sa aplikante.

me mga sablay ang grammar, pronunciation at kung ano ano pa.

minsan pipigilin mo ang tawa mo.

pero minsan mahirap magpigil.

minsan maiiyak ka kasi nakwento na ang mala teleseryeng buhay na meron sila.

may ilan na magmamakaawa na tanggapin sila kasi kelangan ng trabaho.

hindi madali lalo na kung liligwakin mo.


madali kung magaling at pasado. pero pag baksak. gud lak!

kapagod pero masaya

Friday, September 11

photoshoot!

minsan. nag trip trip. photo shoot lang sa pad ni cho.

ako, si ykhing at si cho. mga walang magawa..


sayang di ko dala camera ko..

buti nalang may ilang shoot sakin..






Friday, September 4

ulan. ulan. ulan

bakit kaya biglang umulan?

nakikiramay ba ang panahon sa ilang hinagpis ng sangkatuhan?

o sadyang madumi ang maynila kung kaya'y nilinis ang alikabok at pulusyon.


malungkot pag umuulan. pero masarap pag patulog na! :)

wala lang

ZORB! in bora

kakaibang pakiramdam. para sa mga may takot sa kulong na lugar katulad ni A! e di mo maatim pumasok sa bolang ito at magpadausdos pababa ng bundok. OA hindi bundok. burol.. errr.. basta pababa!

mejo mahalya mendez kung mag-isa ka lang.

2 kasi ang options..

1 - harness - kelangan 2ng tao na mejo dikit ang timbang.. 700 para sa 2 tao. mas nakakaloka ang pakiramdam. nakatali ang kamay, paa at buong katawan habang pababa ng bongga ng "bundok"

2 - hydro - eto naman e kayang maglaman ng hanggang 3 tao. hydro kasi me ilang timba ng tubig sa loob ng bola. para kang nagpadausdos sa maladaks na slide. dahil nga mag isa lang ako. ang binayad ko e bonggang bonggang 580! di na ako umatras. nag effort kami pumunta dun tapos aatras! wit!

tuloy at lakas ng loob ang puhunan..

eto itusra nya:












Thursday, September 3

lunod!


lunod ka ba sa sitwasyon?

yung tipong kinakain ka ng alon sa sobrang tindi ng pagnanasa mo na magawa ang mga bagay?

na kala mo e ikaw lang ang tao sa mundo?

yung tipong.. deads ka sa pangyayari sa buhay ng iba?

yung keber mo sa kanila basta ikaw e marating ang bituin.

minsan. may kwento ka. minsan wala kwenta.

madalas may halong hangin. minsan may tubig na kasama.

bakla, gumising sa bangungot na dulot ng pangarap.

vecky, baka lalong malunod at lumakas ang alindog ng pagkakataon.

di mo masasabi hanggang san ka kayang initindihin ng tadhana.

baka mamaya si karmi ang kasa-kasama.


nakakatakot na dumating ang pagakakataon.

na ika'y mag-iisa sa mundo.

wag kang gumawa ng halimaw na lalamon sa pagkatao mo.


wag kang maging mapuot sa sitwasyon.

ano bang meron ka?

ano bang wala sila?

ano nga ba?


bakit nga ba?


isiping maigi.

baka kainin ng alon.

lamunin ng pagkakataon.

ingat bakla.

pakasigurong nakaapak ang paa sa lupa.


*malayang kaisipan na naman.

kung ano anong salita ang sumapi sa isip ko. di ko alintana ang bawat galaw ng daliri ko sa keyboard ngayon.

pasencia na at emo mode. sadyang matalas ang daliri sa keyboard.

ayaw pa pigil. walang pag awat!

balita?

kaninang umaga. nasa bahay pa ako nung kinausap ako ni muji thru ym.

me sasabihin daw cia.

si big brother me txt sa kanya. pero late na nabasa ni muji..

eto ang siste..

(takbo lang ng usapan.. di eksaktong text!)

big brother: blahblahblah...ma, may blessing ako na darating... magkaka apo ka na! *with wink smiley
Mujibelles: ... Wink! ...

nung sinabi ni muji di ko lam ang sasabihin ko ... o ang reaksyon ko!

masyadong halo halong emosyon. iba pala pag shofatembang mo na ang eeksena ng ganon...

lehitimong magkaka apo na ang nanay ko!

syemay.. reaction ko: OMG! ang gastos! choz!

pero seriously... iniisip ko ang future ko! echos!

ciempre ang gastos. ang responsibilidad! ahahah..

marami na dapat ang magbago. dapat maramandaman ni big brother ang pagbabago. na di nalang pag tatattoo ang dapat isipin. mag imbok. para may madukot!

kaloka..

sa panahon ngayon. nararamdaman ko na maraming magbabago..

sa buhay kes, sa baler, sa kafamlia, kafuso at kanguso.

sabi nga ng cliche " we are not getting any younger.. dapat na magsiryoso sa buhay.."

sabi ko.. enjoy life.. live one day at a time. you can't bring back the past. you have to enjoy the present and be fabulous in the future!

kaloka!

boracay 0830-0901

boracay - para sa ilan, isang islang masasabing paraiso dahil na rin sa taglay nitong ganda at pinong buhangin na marami ang nabibighani. naka ilang beses na din ako nakapunta dito. nung una, para akong tanga o sabihin na nating inosente. na masyadong naaliw sa ganda ng buhangin. nung una ako tumapak dito, sabi ko, "syet! paraiso nga!" pangalawang tungtung.. may konting bagbabago. nagkaroon na ng iba pang mga kainan at hotels. mejo dumami na ang tao... pangatlong punta.. ay mas dumami pa ang tao.mas dumoble ang pag tayo ng iba't ibang nag gagandahang hotels... pang apat na punta..

"syet.. ito ba ang nakagawiang paraiso?"

madami na ang nagbago... parang agos ng dagat.. mabilis na nawawala at kinakain ang mga buhangin pabalik sa malawak na karagatan.

nandun pa din ang walang kupas na pag aalok ng jet ski, island hopping, kite boarding.. pati ang pagtinda ng mga kahoy na inkukit ng mukha ni Hesus! Kaloka!

ciempre di matawaran ang pagkapuno ng Jonah's shake. na lahat ata ng tao na dumadaan dun e bumibili ng 90-100 pesos na shake. infairness naman kasi masarap.

sama mo pa ang isaw ni ate shiboli (tibo) na masarap ang sauce na talaga nga naman araw-araw na ginawa ng Dyos e kinakain namin.

meron ako nasubukan na bago. ang Zorb. kahit mahal e sinubukan ko na sumakay sa isang bolang pagugulungin pababa sa patag. (OA na description) pero yun talaga ang masaya. nasa loob ka ng bolang may 2 timbang tubig. at pagugulungin ka ng bonggang bongga!

ciempre di namin pinalampas ang SMOKE resto sa d mall talipapa. sa sizzling bulala na halagang 150 at mga rice meals na boggang sarap! panalo!

siempre minahal namin ang alas 3 na orasyon na pag lalako ng Julie's pandesal.. iba ang dulot na init ng pandesal na ito! nakaka inlove! :P

nag bago na ang paraiso. nag bago na ang panahon.

eto ang pictures: