Tuesday, June 23

no expectations... nothin...balanse lang!


"hindi mo maiintindihan ang isang bagay kung hindi mo aalamin ang kalaliman ng sitwasyon o tipong huhukayin ang pinag-ugatan nito..."

bakit nga ba hinahayaan ng Dyos na may makikilala ka sa di inaasahang pagkakataon? yung tipong mapapangiti ka at masasabi mo sa sarili mo na. PWEDE!

minsan naiisip ko, may darating pa kay na para sakin? alin ba ang tama? ang maghintay o maghanap? *Syet relasyon ang sinusulat ko!* Sabi ng ilan, hanapin mo, baka kasi nanjan lang sa tabi-tabi. parang nawalang piso na magbubuo sa pamasahe mo... pero marami ang nagsasabi na.. wag mo hanapin.. kasi kusang darating ito. parang yung pagkakataon. diba kusa naman cia darating at mararamdaman mo nalang na nanjan na pala.. cia na pala...pero may mga tanong na parang, pano naman kung di dumating? pano kung tumanda ka na kahihintay? so walang mangyayari?

sabi nga ni alanis, isn't ironic? don't you think? ***it's like raiiiiinn....* mute!

mahalaga na malaman mo ang gusto mo. ang hanap mo. ang paghandaan ang darating sayo. kasi ako naniniwala na meron nga nakalaan para sakin.

sabi nya, no expectations, no strings attached.

sabi ko, oo no expectations, no strings attached, yet. *o wag mag react!

i have that in mind. alam ko yan. pero hayaan mo na matulungan kita na magising sa bangungot na pinagdaanan mo... kaya nga nandito ako. wala ako ine-ekspek sa mangyayari sa ngayon. marahil sa pagdating ng panhon, baka ikaw rin at ako... *kanta ni pareng aiza..pero totoo naman na maghihintay ako. wag ka mag-alala kasi me hangganan... kaya wag ka mag-isip na masasaktan mo ako. kasi nag-i-ingat ako. inaalagaan ko emosyon ko.

pero sasabhan mo ako kung sakal ka na. o pagod ka na o nakukulitan ka na..

hayaan mo lang na minsan na mangulit ako sayo, yung tipong kukumpetuhin ko araw mo. kaya nga ako natutuwa straight forward ka! ako protractor! LOL!

pero sa totoo lang. masarap kang kausap. araw-araw me natutunan ako na bago tungkol sayo. iba-iba. kung ano ayaw at gusto mo.

babalik at babalik ako sa idea na - walang expectations. wala...

kaya mag hihintay ako.. pero hihiramin ko sinabi ni john lloyd...
"HINDI TAYO TAO. HINDI TAYO HAYOP.... BAGAY TAYO, BAGAY!"

LOL!

sana napatawa kita...

no expectations, im just a blogger with emotions. LOL

astiege

1 comment:

  1. thats what exactly i though.....hehhehehe hes hanging around...just wait

    ReplyDelete

sabi mo nga: