naalala ko pag ganitong panahon e madalas masarap matulog. maraming masasayang ala-ala pag umuulan...
ELEMENTARY:
- eto ung tipong bumuhos lang ng konti ang ulan e makikipag talo ka sa nanay mo na gusto mong maligo sa ulan. tapos di ka papayagan kasi magkakasakit ka daw... pero ikaw naman e matigas ang ulo at makikipag talo na hindi.. tapos iiyak ka sa corner parang lang payagan ka.. hanggang sa papayagan ka din.
- tapos pag pinayagan ka, maliligo ka sa ulan, pero bago mangyari yun, e pupunasan ka muna ng nanay mo ng kung ano-anong pampahid tulad ng cherbalu de champorado, chenelyn na langis at kung ano-ano pa!
- agad ka naman tatakbo kasi ung mga kalaro mo na sipunin e hinihintay ka sa kalye..
- meron pang kanta yun, nakalimutan ko na pero merong line na "parang lasang tsokolate.."
- pag gininaw at nangingig ka na, ayawan na!
- tapos pag kumidlat, takbuhan patago sa silong..
- pag naligo e tipong brief/underwear lang ang labanan. pero walang malisya!
- habang lumalakas ang ulan, lalo mong na eenjoy ang paliligo, pupunta pa sa kanto na may konting baha tapos mag tatampisaw! PANALO!
HIGH SCHOOL:
- eto e wala ng paalamanan sa magulang. deads na sa pagpayag nila dahil walang makakapigil sayo.. pag buhos ng ulan, e hubad ng shirt at shorts lang.. gow na!
- di tulad ng elementary walang sistema sa pagliligo, eto meron. kasi masaya yung mag laro ng patintero sa kalye. tapos habang umuulan nag hahabulan kayo! aliW!
- pag umihi ka sa shorts, di pansin, kasi basa ka na!
- mas iba ang trip di lang isang kanto ang nadadayo, pati kung san san. makapag gala lang at ma experience ang maligo sa ulan, kasama ng ilang barkdang nagpapaulan din.
- eto e ang kantahan naman ay di na pambata, basaan ng tubig kanal. minsan uso din ang football habang umuulan!
- pag nangulubot na ang balat, dun ka pa lang aayaw.
- ang pag banlaw ng katawan e katabi ng poso, habang nag bobomba ang kasama ikaw ang naliligo then take turns.
- aliw ang maligo ng may games!
COLLEGE:
- di na maliligo sa ulan, minsanan nalang pag trip.
- inuman ang kadalasan kapalit ng paliligo ng ulan.
- gitara kasa ang song hits para mas masaya
- dvd marathon o kaya naman kung ano ano ang naiisip
- mas matured ang games! (LOL!)
ngayon, pag umuulan, nasan ka?
ako na sa trabaho.. deadma sa bagyo, papasok at papasok kasi me merong trabaho.. walang kebs ang kliyente basta kelangan apir ka sa work, kung hindi.. backstage!
kaka aliw isipin kung pano umiikot at nag iiba ang buhay. kung dati e hubad ka na naliligo at naglalaor sa ulan, ngayon hubad pa din naman kaso ibang level. at bawal sabhin dito kasi tag ulan! LOL!
Why do Filipinos have mirrors on their desks?
-
Being married to a foreigner opens up your eyes to things you never even
noticed about your country or fellowmen.
For instance, Jeroen wanted to know why...
9 years ago
Ulanan ba kami ng memories? Kain na nga lang ako ng itlog at Tuyo! Tse!
ReplyDeleteThat pretty much sums it up for me! In a moment of nostalgia naligo ako sa ulan kagabi at naglagalag kasama friend ko, then nabasa ko blog mo. Aliw!
ReplyDelete@ ate lyka.. ehehehe. umuulan kais. dami memories! ehehe
ReplyDelete@ coy - thanks for reading my blog! aliw naman!
kakatuwa naman itong post mo... total recall ang effect sa akin!
ReplyDelete