Wednesday, May 27

OUTch!!!!

ilang araw ko na sinubukan na magsulat pero sadyang nanadya ang pagkakataon at lagi ako dinadalaw ni KATAM! as in KATAMARAN...

madami ako gusto isulat nung mga nagdaang araw. tulad nalang ng kwentong MRT - pu#$%$^$% naranasan mo na ba ung fresh ka pero katabi o nakasiksik sayo fresh na basurang amoy? errrr..... dapat susulat ko din ung kwento ng dentista. kwento ng P2. kwento ng B_league. kwento ng mga tsimis sa opisina. kwento ng tungkol sa pagapapgupit ko. kwento nung umattend ako ng orientation ng I-BLOG ng sykes.

pero wala ako oras. meron pala, pero tamad lang.

dapat ikukwento ko din yung pinaka "IN" na chismax ng showbiz - ang sex scandal ni hayden-katrina, hayden-maricar, hayden-brazilian model, hadyen-belo, hayden-aling dionisia at hayden-ako. LOL.. wit! walang scandal.

pero naisip ko, mas nakakagimbal ang kwentong OUTch ko na nangyari nung sabado!

sobrang kakaiba...i never thought that i will be in a situation i least expected.

alam ko maraming pagkakataon na ang pwedeng magpatunay na sa ngayon e malabo ko mabigyan ng apo ang nanay ko...MALABO...

naisip nyo na ba kelan nyo plano sabihin sa muji o fuji nyo na isa kang protractor at hindi ruler?

pwedeng sa ilang mga naka EB or SEB nyo e lagi nyo sinasabi na isa kang dakilang pamintang buo kasi ayaw mo mareject dahil choosy ang marami sa pakikipag kaibigan or date. una, ung iba ayaw ng ganito - naka skinny jeans, ayaw ny fashion forward get-up, ayaw ng me fonda, ayaw ng tulis ang sapatos, ayaw ng naka doktora bag, ayaw ng ganito.. ayaw ng ganyan.. well, naiintindahan ko naman yun. its a matter of preference and i respect that idea. pero di ko ma dig e ang mangmata ng kapwa nila na kala mo naman e isang kagandahang ruler pero wag ka dadive pag ksama mo na. o di kaya e bend and snuff ang dating..

teka na iiba na ang kwento.. kwentong OUTch tayo.

sabi nga nila ang ina ay ina. alam at dama ang nararamdaman ng kanyang mga sisiw dahil sa kanya ito nanggaling... TAMA yun!

siguro sa sitwasyon ko e alam na alam nya, pero hopia pa din cia na in the future e, ang protractor e magiging ruler.

buti nalang ang pagkaka OUTch e di tulad nung iba na masyadong morbid o traumatic..
di tulad nung iba na binukelya ng bitter na jowa sa parent trap na ylmaz ang jonakis. or di kaya e caught-in-the-act moment sa baler. o di kaya e harrard na sitwasyon.

thankful na din ako na kahit papaano e - i am what i am. i am astiege and i am accepted.

sa sitwasyon nung sabado, biruan at tawanan na pagkakalaglad ni mareng archie e parang pabiro at positibo...sana!

pero nagimbal ang muji.. at bitiw ng salitang "nagulat ako sa statement mo bakla!" kurot kay mare..."di ko inexpect yun!"

tawanan at pilit na iniba ang usapan..

pero un na OUTch na nga!

natakot ako nung una na magkaron ng momment after non..pano kung sabihin ni muji na.. akin na cellphone mo... grounded ka.. hatid-sundo ka - opisina-bahay-opisina ka lang. walang internet. bawal ang notebook mo. di ka lalabas kesehoda sino pa kasama mo.. wala ng team building.. wala ng akyat ng bundok. wala ng badminton at volleyball.
wala na..wala ka na karir... Errrr... di ko ata kaya yun!

buti nalang di ganon si muji.. buti nalang mahal ako ni muji. buti nalang accepted by PAMET. buti nalang mabait pa rin si Lord. (wag Nyo po ako kunin!)

iba kasi magmahal ang mga inahin.. kesehoda ugly duckling ka.. kesehodang ylmaz, e beckham ka.. mahalaga e mahal ka nya at me respeto kayo sa isat isa..

tapos na mother's day. pero mahal ko muji ko. wala nang hihigit pa kay muji..



wala pa din ang momments. ayaw ko isipin yun, pero kung dumating ang momments na yun.. well, wag mag deny dont tell a lie.. baka kasi sumayaw si Sweet!

Tuesday, May 19

first photoshoot

pasencia na mga friends mejo ngarag mode ako. di ako nakakapag blog. kulang sa borlog at inspirasyon.. dahil sabi ng ng friendster .... its complicated...

heniweys.. si mark nagrequest ng photo shoot.

kaya eto pinagbigyan ko..

styling: astiege's wardrobe
grooming: astiege
photography: astiege
model: mark delgado
venue: rizal high school canioogan pasig


Monday, May 11

sleepless night at the stoplight


have you ever experience a situation where in you really have to stop and think about things happening in your life?

minsan sa dami ng ginagawa mo e di mo na alam alin ba ang mas mahalaga? alin ba ang dapat unahin? aling ang mas ok? minsan nga kahit simpleng bagay e kelangan pag-isipan.

madalas para kang auto na rumaragasa sa edsa pero pagdating ng ortigas titigil ka dahil sa stoplight. PULA. simple ibig sabhin hinto.

parang nasa intersection ako ng edsa. tigil ang sbi ni mamang pulis. kelangan mapadaan ang ilang sasakyan sa kabilang kalye. kelangan makadaos din naman ang nsa kanan mo. o di kaya maghintay ng senyas na magsasabing ok na.


ngaun di ako makatulog. magulo kasi. traffic ang utak ko. madaming nago-over take. me truck ng basura, merong bus, merong motor sa tabi. meron din naman jeep na pilit na nagssakay kahit na sinong nakatayo sa kalye.

magulo.

di ako marunong mag maneho ng sasakyan pero sa panaginip ko nakapag maneho na ako. pero sa buhay na tinutukoy ko, maaring marunong ako. minsan pa nga kambyo at itataas ang mula menor hanggang segundo.

minsan bigla kangtitigil kasi me tatawid na engeng na tao sa harapan mo.

madalas pag nakatigil sa stoplight, me kakatok para mamalimos.

ngayon, halo-halo ang eksena.

magulo.

traffic.

walang hudyat ng berdeng ilaw.

di ako makatulog.

nag-iisip ng malalim.

RED kasi ang ilaw.

apektado ako ng kulay pula.


kahit naman sino.

PULA kasi.




sana lang sa pagdating ng GO e naka ready ako.


ready nga ba?

o pipillin kong PULA na muna?



**stoplight photo credit (http://www.trisha-johnson.com/stories/artwork/stoplight.jpg)

Thursday, May 7

JULIE YAP ang BORLOG!

sa pagiging bampira ko dito sa opisina. marami na ako nakikitang borlog sa production floor. oo, di kasi kami calls. kaya dami nakakaborlog. madaming bumibigay sa pagsubok.

e ako pa naman e mahilig rumampa sa floor lalo na kung wala gaano work. kahit naman madami nakaka rampa pa ako. halos buong floor e naiikot ko. kaya ganon nalang ang pag iingay ko sa mga taong nagboborlog.

madalas tatapikin ko at sasabhan ng:
"ano mang pagsubok, napaglalaban!"
"kaya mo yan teh!"
"o, nag-iisip ka na naman ng mamalim. wag dibdibin..."
eto ang isang classic na hirit:
"galaw-galaw baka ma tegs ka!"

kaloka. ang iba walang takot. dumaan ang muji - mother superior - SAM namin. deads sila. nag iisip daw.

minsan naisip ko, humingi ng pahintulot sa buong management at parang F4 na nag bibigay ng red card. na ang naka sulat,
"pasencia na nakatulog ako, pahinging MEMO pampagising!"

pumayag kaya sila? alam ko di ko dapat pakielaman ang laga ng ibang team leads. pwede ako sabhan na atribida't echuserah at pakielamaera dahil di ko na sakop yun. pero naman. kamusta naman ang pagtulog sa trabaho. di naman ako nagmamalinis. pero sobrang bihira ako maka idlip sa trabaho. kasi ako mismo gagawa ng paraan para magising.

gawin bang slumber room ang production floor? aba.. di naman tama yun!

di naman makatwiran un!

dati pa ugali ko kukunan ko ng picture gamit phone ko. me collection na nga ako e. di ko lang makita dito kung nasan un!

sa mga makikita kong tulog.

JULIE YAP! magpaliwanag ka sa barangay! gow!

Wednesday, May 6

and i was called STUPIDA!

this is so unbecomming... i felt harrassed.

maayos naman nung una, ewan ko ba kung bakit biglang nagwala ang taong di ko naman kilala.

matagal ko na siguro sya nakaka chat. pero di ko cia kilala personally. wala ako alam tungkol sa kanya. sya ang unang nag message:

(mejo mahaba lang...)

*** nag sabi si Echuerah na pupunta sya ng manila to watch Pussy Cat Dolls. ako naman ay nagtanong lang.. sabi ko "mahal naman kasi eh"

nagtanong cia, magkano ba ticket?

ako naman ay nagmagandang loob sa akala ko na meron sa clickthecity.com na alam ko e reliable pag dating sa ganyan. so nasabi ko i-click nya ang concert. yun pala walang word na concert dun. i thought naman na pwede sa music. or pwede mag search..

so mega search din ako. mega google.com pa. tapos ending copy paste ng link. sabi ko
"ikaw nalang maghanap hehehe. ikaw me kelangan.nagwowork kasi ako"

tapos nag warla na ang Echuserah. statement nya "pare,actually di ko kelangan ng price ng ticket. ikaw kasi nagsabi na mahal ang ticket, kaya nga nag ask ako i tot alam mo"

so sabi ko "sorry naman"

statement na cia ng "i am not insisting you to tell me the price of the ticket right?"

then ang dami na nyang litanya na kesyo sinabi lang naman daw nya na bibisita cia ng manila at manunuod. me statement pa cia na "ibang klase ka din pala" napaparanka ng wala sa lugar..

then i went invi mode. just to gather my thoughts and kausapin ang sarili na wag na patulan..

then he continued:
"STUPIDA!!"

then na alarm. for someone to call me stupida? that's unbecoming.. then hingang malalim..

he made talak pa din:
"wag mo ko pagsabihan ng ganyan, hindi bata ang kausap mo"

then eto na:
t (1:56:50 AM): sorry naman
t(1:57:54 AM): fine. kaya nga nag sorry
t(1:57:56 AM): diba?
t(1:59:26 AM): fine dude
t(1:59:27 AM): ok na
t(1:59:31 AM): nag sorry na
t(1:59:33 AM): diba?
t(1:59:35 AM): fine na nga e
b_b(2:08:18 AM): naloloka ka na siguro
b_b(2:08:35 AM): di mo kilala sinong kausap mo
b_b(2:08:40 AM): bwisit!!
b_b(2:09:01 AM): anong ipinagmamalaki mo??
b_b(2:09:26 AM): kala mo kung sino ka
b_b(2:09:33 AM): wala ka nmang ibu2ga
b_b(2:10:40 AM): kesyo nasa province lang ako eh ganyan treatment mo skin??
b_b(2:10:48 AM): nagkakamalaki

t(2:11:11 AM): dude wala ako pinagmamalaki
t(2:11:16 AM): at never ako nangutya ng tao
t(2:11:18 AM): nagalit ka na agad
b_b(2:11:32 AM): kaya nga
t(2:11:33 AM): if you'll go through the message you'll realize na wala ako sinabi
t(2:11:37 AM): then i said sorry
t(2:11:56 AM): kung papansinin mo mag heheh pa ako sa chat
t(2:12:05 AM): tapos mag rereact ka ng ganyan
t(2:12:11 AM): then you called me stupida?
t: e wala naman ako sinabi na masama sayo
t(2:12:21 AM): then mag rarant ka ng ganyan
t(2:12:24 AM): alam ko un
t(2:12:26 AM): and aware ako
t(2:12:31 AM): at wala naman ako sinabi sau na bastos
t(2:12:37 AM): ang sabi ko lang naman e ikaw me kelangan
t(2:12:42 AM): ano ang bastos dun?
t(2:12:53 AM): dude, nag tanong kaw ng price din diba?
t(2:12:56 AM): sabi mo magkano ba
t(2:13:05 AM): i thought meron sa clickt the city
t(2:13:20 AM): then di ko naman alam na wala dun
t(2:13:28 AM): kaya nga nag sorry na ako diba?
t(2:13:39 AM): at sabi ko fine just to stop this nonsense discussion
t(2:13:53 AM): dude ang sabi ko
t(2:13:55 AM): ang mahal
t: so sabi mo magkano
t(2:14:02 AM): balikan mo sa history
t(2:14:10 AM): i know i opened it up
t(2:14:25 AM): and I just want to stop this conversation
t(2:14:36 AM): lets stop this
t(2:14:42 AM): yeah
t(2:14:54 AM): by the way, kindly delete me from your list
t(2:14:59 AM): i am not mayabang


then here's his last statement:





never ako nagyabang sa mga nasa provinces. never ko ipinagmalaki ang work ko.. oo call center ito pero di ako mayabang..

na imbyerna lang ako sa mga taong di marunong bumasa ng archive sa ym. imbyerna lang na sabhan ako ng STUPIDA at di muna iniintindi ang sinasabi.

maaring di tayo magkakilala.. pero wag mo ko litanyahan ng "di mo kilala ang kausap mo..." oo kasi di naman talaga kita kilala..

at nagtataka nga ako kung bakit pa ako nakikipag usap sau.

i shared this story kasi it really pissed me off..

i've never been harsh to anyone in ym. i love ym. i know the do's and dont's.

uulitin ko, di ako nagmamalaki. pero kaya ko sabihin sayo na hindi ako STUPIDA!

and the matured and smartest way of handling the situation is by ignoring you in ym. and not making patol sa isang estranghero.

pasencia na ranting mode uli..

hirap ng bampira.

Friday, May 1

vampire mode

ilang araw na ako nasa night shift. tamang bampira.

gising sa gabi... tulog sa umaga...

kahapon nalang 24 oras ako gising. nag meeting kami tapos umulan. nag mall tumingin sa megamall ng sale. pero walang nabili. peste na sweldo. ang baba. tapos umuwi. napakain ng bahaw na ang ulam e chicken calderada (caldereta na parang afritada) na luto ni dimple.

pagkatapos humiga. natulog.

naramdaman ko na parang kasabay ng pag tulo ng ulan ang pagtulo ng laway ko! LOL!

e ikaw na gising ng bente kwatro oras? makaka pigil ka pa ba nag pagdaloy ng laway mo aber?

tapos nagising ako ng alas otso y media. bitin. pero kelangan gumising.

umorder na ako ng venti na kape deadma ang antok.

kaya ko pa kaya?

syet@@%#$%$^%&