Monday, May 11

sleepless night at the stoplight


have you ever experience a situation where in you really have to stop and think about things happening in your life?

minsan sa dami ng ginagawa mo e di mo na alam alin ba ang mas mahalaga? alin ba ang dapat unahin? aling ang mas ok? minsan nga kahit simpleng bagay e kelangan pag-isipan.

madalas para kang auto na rumaragasa sa edsa pero pagdating ng ortigas titigil ka dahil sa stoplight. PULA. simple ibig sabhin hinto.

parang nasa intersection ako ng edsa. tigil ang sbi ni mamang pulis. kelangan mapadaan ang ilang sasakyan sa kabilang kalye. kelangan makadaos din naman ang nsa kanan mo. o di kaya maghintay ng senyas na magsasabing ok na.


ngaun di ako makatulog. magulo kasi. traffic ang utak ko. madaming nago-over take. me truck ng basura, merong bus, merong motor sa tabi. meron din naman jeep na pilit na nagssakay kahit na sinong nakatayo sa kalye.

magulo.

di ako marunong mag maneho ng sasakyan pero sa panaginip ko nakapag maneho na ako. pero sa buhay na tinutukoy ko, maaring marunong ako. minsan pa nga kambyo at itataas ang mula menor hanggang segundo.

minsan bigla kangtitigil kasi me tatawid na engeng na tao sa harapan mo.

madalas pag nakatigil sa stoplight, me kakatok para mamalimos.

ngayon, halo-halo ang eksena.

magulo.

traffic.

walang hudyat ng berdeng ilaw.

di ako makatulog.

nag-iisip ng malalim.

RED kasi ang ilaw.

apektado ako ng kulay pula.


kahit naman sino.

PULA kasi.




sana lang sa pagdating ng GO e naka ready ako.


ready nga ba?

o pipillin kong PULA na muna?



**stoplight photo credit (http://www.trisha-johnson.com/stories/artwork/stoplight.jpg)

No comments:

Post a Comment

sabi mo nga: