Monday, April 6

BAKUN 3SUM, 3 PEAKS CLIMB



yan ang tema ng 28th Guys4Mountains Climb!


aalis kami mamayang gabi.. paakyat ng Baguio...


tatlong bundok, pilit kakayanin.
makita lamang ang aming mithiin.
Norte ang tungo,
wag sana mabunggo!

idalangin ang aming lakad,
pagka't ito'y isasagad.
iiwan ang magulong maynila,
sa benguet kami'y pipila.

dala'y biyaya ng Maykapal;
kaya naman, kami'y ipagdasal.
Pagsamo ng Diyos nawa'y mapasa amin.
Pag-iingat nya'y aming inaangkin.

Bitbit ang kalakihan bag,
nawa'y ni isa walang malaglag!

walang humpay na lakaran,
lubak, bangin, tubig aming dadaanan.

babalik ako, baon ay kwento.
pasalubong ko ako'y kuntento.

ayan, nakuha ko pang gumawa ng tula. eheheh..

mamimiss ko kayo.. sana kahit wala ako e maaalala nyo ako! :)

2 comments:

  1. astiege! pulag ba isa sa aakyatin nyo? ingat sa akyat.

    ReplyDelete
  2. @dong. hindi dun e.. sa bakun, sa mt. tenglawan, kabunian at mt lobo

    ReplyDelete

sabi mo nga: