*piktur sa benguet
simula nung pumatak ang summer e naranasan ko na ang init at lupit ni haring araw... yung tindi ng sikat at bawat lapat ng init e para bang nilalaltigo ang yung balat... masakit at iba ang dulot na init nito...
pawisan.. yan ang resulta ng init.. lahat ata ng pinoy na nakaonline e ang status sa ym e me kinalaman sa init ng araw. lahat naiinitan. lahat pawisan. lahat nagrereklamo.. epekto ata ito ng tinatawag na global warming...
nung isang linggo 2 beses ako nagpalit ng damit. suot ko muna e isang manipis na tshirt na kahit pawisan e deadma lang. pag dating ng opis papalit ng damit para so young, so fresh! para handang bumeso sa mga kasamahan...
kanina.. worst...
wala ako dala extra shirt. suot ang isa sa mga paborito kong tshirt.. e ending pawisan.. sumakay ako ng fx papasok papuntang mrt.. peste walang aircon. meron nga malakas pa hinga ng katabi ko...
tapos lalakad papuntang MRT ang init.. tapos pag sakay pa ng mrt punuan. tapos ang init. iba iba ang amoy.. syet... tapos didikit pa ang balat ng katabi mo na malagkit.. yaikes..
kainis.. tapos lakad na naman.
peste ang init..
sobrang init nga. kaya pumunta kami ng sagada last weekend. ngayon balik init buti na lang umulan.
ReplyDelete@ don.. oo nga eh. kakaligo mo lang di tubig ang tumutulo. pawis
ReplyDelete