Wednesday, April 29

paumanhin

hello friends. dahil mejo busy ako. di ko masyado nagagawang sumulat dito sa blog ko.

busy.

pasencia na talaga. busy lang.

sorry.

hehehe.

kwento ko paglipas ng ilang oras.

Wednesday, April 22

adiktus to jellybelly-cious!


last week, out global cheverlou visited us here in the office.. he's tall, white and he got i think gray eyes.. syet.. parang pusang tao.. lol.. one more thing.. isa ciang dakilang nose bleed!!! tago nalang natin sia sa pangalang. Michaud.. name palang dumudugo na intestine ko..

ciempre puti cia, expected na dudugo ang bangs at intestine mo pag kinausap mo cia.. isa pa.. hihingi ka ng strecher at papasugod ka sa ER pag matagal kayo nag usap.. e itong si GF.. tinawag ako. papakilala raw lahat ng TM kay matampusa.. syet. ninerbyos ako.. matagal tagal na din di dumudugo ang bangs ko...

dahil nagmadali ako papunta sa lugar ng mga dyosa.. nakita ko na may naka lagay sa table na JELLYBEANSSS!!!!!

agad na lumukso ang dugo ko sa ilong at tenga!

ang ate.. pabibo..

"oh, hello there! I'm Tristan..." pabibo kay matampusa..pero naghihingalo na ang pilikmata at tenga ko sa posibleng mahabang talaktakan..

"hello, i'm Michaud.." sagot nman nya..

syet tumulo ang dugo sa ilong ko..

"i have brought you something guys..." ispluk ni matampusa sabay turo sa table na maraming jelly beans na naka sort according sa kinds...

habang dumadaldal ang matampusa.. ang mata ko e nakatitig at naglalaway sa jelly beans.. namimili na ng kung anong flavor ang kukunin ko..

merong 3 bags ng popcorn flavor.. meron 4 na citrus, meron 2 bags ng 49 assorted flavors at kung ano ano pa..

nung narinig ko na ang ispluk nya e
"go, get one.. which one do you like!?"

ang ate nyo.. sugod sa 49 assorted flavors.. sabi ko e kaya nga 49 kasi nadun na lahat. matitikman ko lahat!!

di pa tapos magsalita si matampusa.. dumampot na agad ang ate.. baka kasi maagawan ng crown!



sabay sabi ng "THANK YOU SSSOOOOOOO MMMUCCCCCH!!!!!"

sabay talikod.. iniwan ko sila na dumugo ang ilong.. ako bumalik na sa station ko...

di ko muna binuksan. nanamnamin ko lang muna cia...

kinakain ko cia hanggang ngayon!

sarap! adiktus sa jelly beans!!!

more flavors..

more beans..

more fun!!!

aylabet!

changes....in my blog...

Heyyeah!!!!

today i decided to change something in my blog world. i changed the color of my template from black to blue... i even changed the color of the font! ay pati ang font style.. :)

di ko lam kung magiging maganda ba sa paningin nyo yan or ibalik ko nalang sa dati?

sa tinging nyo? ano mas maganda?!

sabay kanta ng:

"these are all the many changes. in my blog..."

Tuesday, April 21

pawisan..


*piktur sa benguet

simula nung pumatak ang summer e naranasan ko na ang init at lupit ni haring araw... yung tindi ng sikat at bawat lapat ng init e para bang nilalaltigo ang yung balat... masakit at iba ang dulot na init nito...

pawisan.. yan ang resulta ng init.. lahat ata ng pinoy na nakaonline e ang status sa ym e me kinalaman sa init ng araw. lahat naiinitan. lahat pawisan. lahat nagrereklamo.. epekto ata ito ng tinatawag na global warming...

nung isang linggo 2 beses ako nagpalit ng damit. suot ko muna e isang manipis na tshirt na kahit pawisan e deadma lang. pag dating ng opis papalit ng damit para so young, so fresh! para handang bumeso sa mga kasamahan...

kanina.. worst...

wala ako dala extra shirt. suot ang isa sa mga paborito kong tshirt.. e ending pawisan.. sumakay ako ng fx papasok papuntang mrt.. peste walang aircon. meron nga malakas pa hinga ng katabi ko...

tapos lalakad papuntang MRT ang init.. tapos pag sakay pa ng mrt punuan. tapos ang init. iba iba ang amoy.. syet... tapos didikit pa ang balat ng katabi mo na malagkit.. yaikes..

kainis.. tapos lakad na naman.

peste ang init..

Saturday, April 18

beach na bitch!

we're heading south and will enjoy the heat of the sun this weekends!

tara na sa beach bitches!!!!


wooaaaaahhhhh..

i got sunblock, after sun lotion and condom. echos.. wala ako non. wholesome ang labanan teambuilding ito!

see yeah guys!

Friday, April 17

bato-bato buraot!

anech namanchina ang shinoshowa mech fag yogoslavia e sharon stone???

kalorkey kaya ang kausapin ang sarili at walang ibang magawa kundi titigan ang pc. kalikutin ang keyboard at pindot-pindotin ang mouse.

oo may trabaho ako.. pero tapos na. meron pa ba dapat gawin?

meron pa.. MARAMI!

e ano ginagawa ko?

e wala nga. bored nga.

bato-bato buraot ako!

chuvaness!

nakakaloka ang ate chuvaness ko..

namimigay si ate ng bonggang bonggang papremyo sa pang 3millionth viewer ng kanyang fabulosang blog..

isang idolo si madame chuvaness... aliw ang mga postings. informative at kung ano ano pa! fave ko pag ang posting e tungkol sa fashion and food.. yummmy...

sana manalo ako.. eto at inabangan ko talaga. pero mabilis ang pangyayari..

kung kaya't eto lang ang na grab ko!



salamat kay sir mark na nag send sakin ng grab na pampabilis mag screenshot..

sana manalo ako..

ms. chuvaness, if you're reading this.. i am big FAN!

and i really HEART CHUVANESS.com

Wednesday, April 15

kowtable kowts sa bakun trip

hay... ilang araw na ng lumipas at ngayon lang ako naka blog. ewan ko ba.

lagi ko to chintsek pero di ko masimulan ang pagsulat.

ganon pa man. eto na ang ilan sa mga di makalimutang kowtable kowts sa pag akyat..

ay teka. pakita ko lang aming sinakyang jeep si CHARisse PINKpinko.. sobrang redandunt na ang mga bektas e sa PINK na jeep sumakay. tinalo si CHAR ng TYG. meron din kami TYG sa top load. lakas ng loob..

eto si CHARisse:


o heniweiz, eto ang ilan sa mga kowts:

"3 peaks ang sining-upan ko noh..."
>>>> ED (master chef) - litanya ng isang matatag na bektas! *infairness very peppermint ito!

"Food Trail!" (trail food.. bangag)
"oh, ayan tatlong TRIO!" (lasing na nag baba ng cards sa pusoy dos)
"R-O-T-ay-Y-A-L! royal!" nang pinaspell ang royal!
>>>> Bench (na murder ang paa!)

"Gusto nyo makakita ng CHINESE!?!?" (pananakot sa mga lasing habang patay ang ilaw)
>>>> Rowel (Grand Canyon owner!; may 3rd eye)

"Good Manners Guys!!!" (pag saway sa mga becktas na naguunahan sa pagkain..)
"SSSSSSHHHHHH!!!!" (sitsit sa mga lasing dahil tulog na ang lola)
>>>> Maning (manila pen bread supplies)

"Nakalibing sa BACKGROUND! (backyard dapat)" (pagpapaliwanag sa mga nakalibing na patay sa bakuran..)
>>>> Hilda (nag-iisang babae - tunay na babae)

"So LOVELY...The mountains... (accent ni celia rodriguez)"
>>>> Noey Aunor (ang nagiisang superstar ng bundok)

"Napagod ako dun ah..." (pabalik ng camp site - nakatatlong bundok na..)
>>>> Markiko (minsan lang humirit at magsabi na pagod)

"How's the Climb, guys!???" "uh-huh.. you know!"
>>>> Teddy (bumababa agad.. first timer.. di kinaya.. pero infairness, caring at taga luto ng sinaing! )

"Kuya Noey, thama na... Bakith ganon, di naman ako naka marijuana, thawa ako ng thawa! (lasing na kasi.,. me amats!!!)
"im going to start slow..." (english mode ng magsisimula ako sa mababang cards)
>>>> Dandin (chekwang puro tattoo.)

"Just choose among the lomog ones!" (how conio, how goldilucks! nagabot ng pinakuluang saba)
>>>> Elf (doktor!)

at syempre ang famosong litanya ko tuwing may photo shoot sa peak..

"HIGH FASHION GUYS!!! HIGH FASHION!!! MORE.. MAKE LOVE WITH THE CAMERA!!!"
"BABEEEEE... YEAH.. OOHHH.. BABY..."
>>>> astiege!

Monday, April 6

BAKUN 3SUM, 3 PEAKS CLIMB



yan ang tema ng 28th Guys4Mountains Climb!


aalis kami mamayang gabi.. paakyat ng Baguio...


tatlong bundok, pilit kakayanin.
makita lamang ang aming mithiin.
Norte ang tungo,
wag sana mabunggo!

idalangin ang aming lakad,
pagka't ito'y isasagad.
iiwan ang magulong maynila,
sa benguet kami'y pipila.

dala'y biyaya ng Maykapal;
kaya naman, kami'y ipagdasal.
Pagsamo ng Diyos nawa'y mapasa amin.
Pag-iingat nya'y aming inaangkin.

Bitbit ang kalakihan bag,
nawa'y ni isa walang malaglag!

walang humpay na lakaran,
lubak, bangin, tubig aming dadaanan.

babalik ako, baon ay kwento.
pasalubong ko ako'y kuntento.

ayan, nakuha ko pang gumawa ng tula. eheheh..

mamimiss ko kayo.. sana kahit wala ako e maaalala nyo ako! :)

san na tsinelas ko?

"""""NASAN ANG PINK KONG TSINELASSSSSSS!!!!!!!!!""""""

dahil na pagod ang paa ko sa "is-pad-ril" naisipan ko na mag suot ng tsinelas..

isang kagualatan na mawala ang tsinelas kong PINK sa ilalim ng work station ko...

naalala ko ginamit namin cia nung inalay at binasbasan ang isang straight na maging bektas.. binigyan namin sia ng pink stapler, pink na stick, pink na tsinelas at kung ano ano pa..

pero ngayon wala na cia..

wala na...


bgay yun ni justin nung party/dinner ng tqc.. pink lang kasi ung natira na kasya sakin.. marami naman non sa palengke at 711 pero bakit napag interesan?

wala ciang tatak - hindi havianas or ipanema or kung ano man na tsinelas. di din cia spartan, islander o rambo (madalas gamitin sa tumbang preso!).

simple lang cia.. di loud na pink, pero ang soft ng pagkapink.. pang straight kasi yun. e binigay nga sakin...tapos ngayon nawawala..


p#@%$%&%^*^&*#@$%^&%*^%*(%^^&$#% nasan na ang tsinelas ko?

sino kya ang lupin?

ang taga linis?
ang becktas?
ako?
sino?

san mapupunta yun? grrr...



nahagilap ko lang sa internet. pero di yun roxy - wala nga kasi syang tatak.. punta ka 711 ung tsinelas dun..ganon cia.

Friday, April 3

anniv

march 21, 2005 ilang araw bago ako tumungtong ng entablado nung college ako...

sabi ng nanay ko na nagtatrabaho din sa "call center" (ngyon e 10 years na cia dito) e me opening sa account na kinalalagyan ko ngayon. nung una e mejo alangan cia na pagtrabahuhin ako kasi nga kakaiba ang mundo na gagalawan ko.. sabi ko naman.. at least me trabaho na agad...

sa madaling salita nag apply ako - infairness, dumaan din ako sa butas ng karayom no.. dinugo sa interview ng HR sa cellphone, sumakit ang ulo sa exam na pesteng keyboard e sing tigas ng bato ang mga letra... dinugo uli para sa huling interview at sa wakas walang alinlangang pumirma ng kontrata.

nag pa medikal din ako. pero di ako tumuwad sa harap ng mga doktor.. di ko bet.. di nga din ako nagpasa ng popoo para icheck nila.. e ang christina aguilera *dirty* kaya non...echos..

heyniweys, ayun na nga.. pagkatapos ng maghapon na orientation.. training na...

march 30, graduation namin nung college.. huminto pala ako ng dalwang taon bago nag aral ng kolehiyo.. pinagaralan ko kung pano ang pagpapasakit sa utak at alamin, kabisaduhin at guluhin ang kung ano anong software, hardware at programming (IT). sakit sa bangs.. nakipag-away pa ako sa ilang propesor dun.. nakipag duruan at sagutan sa isang baklang propesor na di marunong tumanggap ng pagkakamali.. tinuringan na psychology e di marunong tumanggap ng koreksyon.. naalala ko pa. di ako nag papraktis ng martsa.. mga 2ng beses lang ako nag praktis. nasita pa ako nung isang prof at bakit daw di ako umaattend, sabi ko "pasencia na sir may trabaho na ako.."

sa awa ng Dyos at sa tulong Nya e nakatapos ako at napatungtong ko ang nanay ko sa stage.. imagine nalang si mother nag paparlor pa at super baylamos ng new clothes at dahil dun muntik na ako malate sa graduation buti nalang at 5 tambling, 2 cartwheel at 1 split nasa rizal high school na ako (ang chaka ng graduation sa Rizal High.. nagkuripot..) pero mahalaga e nabigyan ako ng award sa kasipagan ko sa minor subjects at extra curricular activities.

salamat sa pamantasan ng lungsod ng pasig na ciang humubog sa akin (nakss!!!!).

salamat sa SYKES at ngayon e nandito pa din ako...

4 na taon na ang lumipas..

nagsimulang ahente... mejo tumabasa sr. ahente, naging trainer/quality coordinator at ngayon Bugaw! este Team Manager.. :P

ang history ko bago ma promote e 2-4 tries bago ko nakuha ang position.. mahirap ang pagdadaanan. ilang beses naging TYG bago nakuha ang position..

umiyak na din ako dito.. maraming beses.

ikaw ba naman ang mag encode ng sang damakmak na file dahil na overwrite.. diba?

ikaw na ang makahon at isipin na di ka pa ready..

buti nalang bumangon ako..

nangarap..

natanggap..

at ngayon..

dakila! LOL

4 na taon..

sana tumagal pa..

pero sana makaalis at makapag abroad!

pikpak momment:

noon:



ngayon:

ako at si mayor

marami na ang nagsasabi na namayat na nga ako.

oo, ramdam ko naman ang pagkawala ng 13lbs - diet and konting exercise.

pero minsan, pag masarap kumain.. di ko mapigilan - nakapagkanin ako - KASALANAN ito!

aminin mo.. masarap ang kanin.. pero tuwing iniisip ko na dadagdag sa kabigatan ko e pinipigil ko. papak ng papak ng ulam hanggang sa mabusog..

eto pa:
nagkataon na me kainian. buffet sa yam cha. libre ng kliyente.. sarap! infairness.

walang kanin pero kabusog.. yung kainan e parang me pinapatay si mayor at invited ang buong bayan.. may grupo ng mga coop na nag mula sa iba't ibang barangay. meron TODA na ang mga kinakain e bulto bulto.. meron din naman presendential table.. ang mga nandun e pa demure at may poise..

meron pang isang table ng mga senior citizen. maya maya e dumating ang debutante.. ang anak ni mayor..

ilang minuto pa e kinausap ako ni mayor ng solo... ang hirap kalaban ni mayor.. di ko masara ang pinto... pero pilit kong nilaban si mayor..at ako ay nagtagumpay!

iniwan ko si mayor sa loob...

paglabas ko.tapos na din ang party..nagpipiktyuran nalang sila..

tapos umuwi na din..

Wednesday, April 1

haircut

bago ko pa man simulan ang review sa KNOWING.. eh nagpromise ako na magpopost ng pictures ng bago at pagkatapos ko magpagupit..

eto na!

kala ko susweldo kami ng maaga:


nung mga alas kwatro e wala pang sumisigaw ng "MAY SWELDO NA" nalungkot ako. sabi ko nasira ang plano ko:



buti nalang at may nanay ako! binayaran ako sa kanyang utang! at ayun nagmadali ako na magtxt kay dhey at yayain lumipad papuntang VIVERE..

nagkita kami sa gayway.. after 42 yrs and 3 seconds. dumating din si bektas...

sakay ng mrt.. dinala kamio ng tren sa dulo - NORTH EDSA. rampa sa trinoma, papuntang d block lipat ng sm north at sa wakas sm annex., exercise ito..

1 lang si benj sa salon. kasama 4 na assistants..

20 yrs bago kami nagupitan.. sabi nga e worth the wait and blessing comes to those who wait..

nalibre kami ng hair treatment! infairness kay at babes.. at kay baby este benj..

eto ung ginugupitan ako...



salitan kamio ni dhey nagng pag tanggal ng mga nagupit na buhok. in short instant alalay kami.


pero ok lang eto na ako ngayon:






wala masyado pag babago LOL!!!

kasi naman parang wala sa sarili si benj dahil sa pressure.. ikaw na mag isa tapos 6 ang client mo?

tambling diba?

pero keri lang.. eto na ako pagkatapos..