Friday, March 27

tanong at walang kamatayang tanong.

madaming tanong ang nasa utak ko. di ako makatulog.

samu-sari't katanungan ang syang naglalaro sa isipan.
kaylan ko makikita ang kasagutan?
hindi ko alam, pero malapit lang ito.
san pa ba? kundi nandito.

sinong makakasagot?
at san ako huhugot?
sagot na aking hinihintay.
hanggang kelan, walang humpay.

pilit kong nilalabanan,
ngunit wala naman kalaban.
engot na akong maituturing,
ayun at mukhang napapraning.

saan, sino, paano at bakit.
ilan lamang sa mga pasakit.
salita'y walang itinama,
ayun at ako'y nakatunganga.

eto na, eto na, ngunit nasan nga?
sagot ko'y walang kumakalinga.

deadma, tama. deadma.
sana ito'y tumugma.

paalam, kaibigan.
isama sa libingan.
hinanakit at kaguluhan
itabi sa hantungan.


...



tula ba yun? on the spot?

may sense ba?

1 comment:

  1. cool tula. made sense to me. siguro n'sync lang tayo. =P

    ReplyDelete

sabi mo nga: