Tuesday, March 31

knowing mo na!?

kahapon, pagkatapos ng mahabang oras ng paghihintay ng sweldo, e dumating din ito. salamat kay mommy na nagbayad ng kautangan (LOL) para lang masave ang araw ko...

natuloy din ang pedicure nung linggo. natuloy na din ang inaaasam asam ko na pagpapagupit. asuswal, kay benj pa din... tumambling kasi dahil mag isa lang cia. kasama lang nya 4 na assistants at isang front desk.

2 kami ni dhey na gugupitan. nalibre pa kami ng hair treatment dahil nabasa ako nang shampuhin ni benj ang buhok ko. wala kasi cia choice...4 ang assistant pero dalawang babaeng customers ang nagpaparebond.

*thanks benj and ate babes for the free treatment!

sa madaling salita simula 530pm hanggang 7pm e nasa vivere kami.

ang text ang asin. nagtanong kung ano magandang movie.

sagot ko nasa vivere ako nagpapagupit.

ilan txt pa nagkasundo kami. gow watch ng knowing.

simula ng movie hanggang sa matapos, nakatayo balahibo ko.

naiiyak din ako.

pero kwnto ko sa susunod na blog. mag movie review ako. sa ngayon eto muna.

*pics ng new haircut later pag uwi ko. :)

Friday, March 27

tanong at walang kamatayang tanong.

madaming tanong ang nasa utak ko. di ako makatulog.

samu-sari't katanungan ang syang naglalaro sa isipan.
kaylan ko makikita ang kasagutan?
hindi ko alam, pero malapit lang ito.
san pa ba? kundi nandito.

sinong makakasagot?
at san ako huhugot?
sagot na aking hinihintay.
hanggang kelan, walang humpay.

pilit kong nilalabanan,
ngunit wala naman kalaban.
engot na akong maituturing,
ayun at mukhang napapraning.

saan, sino, paano at bakit.
ilan lamang sa mga pasakit.
salita'y walang itinama,
ayun at ako'y nakatunganga.

eto na, eto na, ngunit nasan nga?
sagot ko'y walang kumakalinga.

deadma, tama. deadma.
sana ito'y tumugma.

paalam, kaibigan.
isama sa libingan.
hinanakit at kaguluhan
itabi sa hantungan.


...



tula ba yun? on the spot?

may sense ba?

Wednesday, March 25

bulay bulay



ugali ko na tuwing mag out of town ako e dapat may solo momment. yung tamang EMO... yung minsan e aalis ka sa grupo tapos mag iisip. yung kakausapin mo ang sarili, ang alon at ulap. emo nga.

etong pic na to kuha nung nagpunta ako sa dulo ng lhasa cove. na umaasa na sana pagbalik sa maingay na Maynila e me magandang balitang dala.

kaya pala iba ang ihip ng hangin dahil iba ang dalang mensahe.

kanina lang.

may nagtext. ang asin.

malungkot daw. naguguluhan.

ilang palitan pa ng txt e ang nasabi ko nalang.

"yun kasi ang di nya binibigay sayo. kung binigyan lang ako ng pagkakataon. maibibigay ko ang pagmamahal na hinahanap mo..."

yan sana isasagot ko. pero iniba ko.

hanggang sa facebook eto ang naisigaw ko:
"Tristan Reyes
believes that you don't just follow what your heart dictates,use your intellect to weigh things.Dont be blinded.open your eyes. I AM HERE!"

mahabang argumento ito.

pero tahimik na muna ko.

natanong ko sarili ko.

kung hiwalayan na nya. at sabihin nya.. lumabas uli kami...

papayag ba ako? ganon ko ba ka gusto at willing ako na ayaw-awayin. intindihin ang tantrums at minsa'y immaturity nya?

ganon lang ba talaga cia?

o nanadya?

sasakit pa kaya ulo ko?

mahal ko na nga ba?

o okay na nakapag move-on na ako. at sumigaw na ako ng NEXT!?

tapos na kaya ang chapter na ito?

ano na ba?

ako...

di ko lam. bahala na ang pagkakataon.

dyosa ng lhasa cove

dalawang linggo na ang nakalipas. ngayon ko lang nagupload ang mga pictures.

eto ang promise ko kay MAMA O, ang dyosa ng lhasa cove:






salamat uli sa picnik.com.

sana magustuhan ng dyosa ng lhasa cove

Tuesday, March 24

EK.EK at villa alejandro

Nung weekends nag team building kami... punta kami nung friday sa EK. nagkataon na nandun din ang going bulilit. dami din nag field trip. eto jump shot namin:


eto naman ung sa villa alejandro:






sencia na wala muna kwento. sakit ulo ko.

problema ng kuya ko sa gf ako sumasalo.

problema sa office pa.

hay

Monday, March 23

toxic


after 3 days of RD's. im back to reality.

back to work.

monday is toxic.

i wish i can do 20 things at a time. hay.

sana nga lang.

Sunday, March 22

si ate ang ingay!

nakakatawa...

linggo.. nandito ako sa megamall kasama sila mommy. ako naupo sa blenz coffee.. sa atrium.

kapiling ng kape e kasiping ko ang laptop ko. ka chat ang ilang kaibigan mula sa pinas hanggang sa ibang bayan..

sa paghihintay ko. may pumasok na isang "lalaki" naalala ko cia. minsan ko na cia nakita sa isang website..

lakas ng arrive ni pepper mint... naka white knits polo shirt and jeans dala ang kikay bag, with blue shoes...

ayos ang buhok pati ang kilay..

nag labas ng mac notebook..

umorder..

bawat kilos nakikita ko..

dumating ang isang bilat. friendiva ni pepper mint ate..

nagkwentuhan sila..

ang lakas ng tawa nya. ang lakas ng tawa.. promise...

dinig sa buong coffee shop..

ang hirap kalaban ni ate.

\ang killer collar. ang killer shoes.,. ang bagelya..

ang kilay..

\ang fonda..

ang pilantik ng kamay.


sa pag sulat kong ito. di nya alam na cia na ang kinukwento ko.

ang hirap nyang kalaban.

maingay cia.,.



ahahahah..


sorry ate. na blog kita!

Thursday, March 19

Go on and Have FUN!

As what others say:

"GO and Move on..."

"There's so many FISH in the OCEAN!"

and I shouted, "Yeah, RIGHT! NEXT PLEASE!!!!"

today, i am officially movin' on...

i did not break up with someone.. it's just that my world had a 360 degree turn.

and i am loving it!

i learned a lot of things.

no regrets on my part.

and today... i will have fun!!!

...

I will be off tomorrow til Sunday.

I'll be in EK with my team. then we'll spend the night in a private resort in laguna.

we'll drink and be merry!

...


Tuesday, March 17

an open letter

I really don’t know how I will react to the situation. I know that you want to focus and prioritize your career. As what you have said, you want to follow your parents’ advice – to have a good and stable job. You also said that you’ll leave soon. But allow me express my sadness and confusion. You mentioned about red, the moment I read your text what comes to my mind is that you want me to stay out of our situation – exclusively dating- and you can go back to him. With your statement, “I can’t say no to him” struck me and hit me like a hard bullet. It’s not that I don’t understand – I was hurt but I tried to cover up through saying that I really understand. I just hope that you did not use the first statement – priority is work well in fact you want you EX back.

I know it’s not easy for you to be in that situation – to get confused and torn between two people. I was hoping that “us” will lead into something spectacular – something special but all of a sudden it vanished. I have no regrets that I was not chosen over an X. I am just someone who made you feel special even for a short period of time.


I am happy I have known someone like you. You put smile on my face every time we’re together. You argue with me over baloney things and laugh about things we see. I know you don’t want to hear “I MISS YOU” because you’re not gone – but I do!

I will surely miss being with you. The last time we were together was unforgettable. Never ending laughter in your car. The HOTAIR balloon will always be a moment to remember. I will miss my VENTI CARAMEL MACCHIATO – NON FAT, SUGAR FREE with VANILA Syrup. I will miss the way you stare at me and laugh behind my back. I will miss BEBE.

Again, I understand you. I am not bitter or anything. It’s just that I want to express my feelings and how I am dealing with the situation.

I hope you understand how I feel. I will just be around. Hoping… Dreaming and moving on…

Chinky

Friday, March 13

GY and the BEACH!

Grave Yard shift is over...

well, for now! :P

ill be off starting tomorrow til Sunday.

What will I do for the next coming days:

Friday d 13th.

6 am - off from work.
7 am - bahay na *hopefully
pupunta sa bahay si Tyn, maglalabas ng ampalaya sa ex nyang di kagwapuhan at di kaputian ang ngipin - sorry ano ba ito!

di ko lang alam kung anong oras matatapos sa ranting si Kenx.

siguro makakatulog ako ng mga bandang 9 or 10.

2 pm - kelangan gumising - darating ang jowa ni big brother na isang FA. harsh.. bakit nag sabay sabay

mga bandang hapon - mag me megamall ako - bibili ako ng cellphone!!!

papalitan ko na si XDA - kasi naman nawala lahat ng contacts ko.

until now, i have no idea what to buy. i want a 3g-capable phone with churvah na pang pikpak! inisip ko mag ericson pero nokia ako sanay. :(

bahala na si batman!

saturday and sunday.. wala ako sa maynila.

punta ako sa malayong lugar! magsuswimming ako!!!! beacheneering churvahlu ito!

...

kanina gumawa ako ng design for a shirt para sa mga kasama ko sa church.

eto yun:

...

sana magustuhan nila. infairness 2nd design yan. salamat uli sa picnik.

...

gonna miss you guys! stick with me!

Wednesday, March 11

GAY SERIAL KILLER

GAY SERIAL KILLER!

katakot!



echos.

remember mga 20 years ago, nagpa shoot kami ni Khal sa arresting images photog para sa isang kalokhang pictorial. nagbayad kami ng 500 para ma make-up-an, at mag pose, ngayon lang dumating ang picture. ninakaw ko pa sa multiply. wala pa ang copy namin. si khal meron na. ako wala pa. :(

review muna:
sa isang condo sa ortigas - likod ng galeria. maliit ang room. pero keri na din. dahil nalate sila ng dating. naghintay kami ni khal sa baba - sa labas ng condo - ayaw magpapasok ng gardo. kainis. ilang minuto yun. 30 minutes. di magandang impression sa kliyente - tama naman siguro ako kung magreklamo ako. diba? pero nakapasok din naman kami. me ilan ng photographers - 2 ung kukuha samin wala pa. late din. pictorial kami ni khal. pero naayos din naman.

yung photographer tago na din sa pangalang GeeAr. infairness si bektas, cuticle naman. kaso parang ako bilang subject/model - di maka konek sa kanya - siguro kasi hinahanap ko ang coaching skills ni tyra or mr. j sa ANTM. wala ako makuhang inspiration sa photog. wala din naman ako makuhang idea from him. may mga gusto cia ipagawa pero kulang ng drive. nanghingi pa sia ng help sa isang photog. pero natapos din. inintay ko si khal. mas naenjoy ni khal ang shoot. maingay si bakla. ako deads. self pictorial.

natapos din si khal. naghiwalay kami.

after ilang years eto na sia.



pinag isip kami ng magiging case namin. wala ako maisip nung una. hanggang sa maging GAY SERIAL KILLER AKO!!!

am i satisfied?

not much. kaya ko naman gawin to.. ako nalang gagawa sa ibang me gusto!

HOLA! ayan!

Tuesday, March 10

ego-tripping at inis!

Hola Amigo at Amiga!

i really don't feel good today neither i look good *ngayon lang.

alas syete ng umaga na ako nakatulog ako. nagising ako ng bandang alas 2. dahil sa panaginip ko iihi ako. ang sakit sa pantog. naiihi nga ako. kahit pikit ang mata- pinilit ko bumangon para ilabas ang ihi. bumaba ako ng hagdan. ang morbid ng isip ko - pano kung madulas ako - tegs ako ng walang nakakaalam. walang tao sa baler. ako lang. pero nagawa ko naman na umihi nang di nalalaglag.

pagkaflush e umakyat na uli ako. pinilit ko matulog pero wala. nag txt na ako ng ilang kaibigan. merong bastos na txt na dumating sakin. ano ba yun pati ako e pagtitiripan sa makamundong buhay nya. deadma ako.

pinilit ko pa rin matulog. naririnig ko ang kamay ng orasan. wala lang. di na talaga ako makatulog.

bumamaba ako sa sala. nagbukas ng tv and elektrik pamaypay.

nagpakulo ako ng tubig. nilagyan ng mantika at asin. nilagay ko ang pasta. umakyat ng kwarto kinuha si beaux at si niki. nilipat ko ang ilang pictures na kuha nung weekends. kaso di ko pala nakuhang ilipat sa USB. kainis.

nagluto nalang ako. nag hiwa ng bawang, kamatis, at olives. ginisa ko ang bawang sa olive oil *syet healthy. nilagay ang bawang. sinunod ko ang tuna. nilagay ko din ang kamatis. para maging mapula ang sauce ng pasta ko, nilagyan ko tomato paste na hinaluan ng tubig. inihalo ko sa ginigisa ko. tapos hinaluan ko ng vodka rasberry ang sauce. nilagyan ko din ng chili powder at ilang paminta.

ola! meron na ako pasta!!!

kinain ko ang konti. nag tira ako. katxt ko si mike. pinagyabang ko na me niluto ako. patikim daw! ako naman sige. ibabaon ko ang ilang natira!

paglabas ko ng bahay. feeling, looking wow!!! - ordinary polo shirt and jeans lang naman suot ko.

simula ng ego tripping:
EGO TRIP 1: si banker

papunta na ako ng kanto para sumakay ng fx papuntang MRT. Si banker tumingin. ako deads. lumapit si banker. taga san daw ako. sabi ko jan lang. tapos sabi ko, o cia aalis na ako papasok pa ako. sa mukha ni banker e may panghihinayang. sinadya ako na di kunin ang number at di din naman ako basta basta nag bibigay ng number. sabi ko see yeah! then evap na ako!

EGO TRIP 2: si MRT

sa MRT. naghintay ako ng pagdating ng tren. pag dating ng tren. nasa harap na ako ng pinto. bumukas ang pinto. pabukas palang e me nakatitig na. si china mae. borta bortahan ang labanan ng ate mo. neat looking si mrt. kitangkita sa polo ang ate ang bortang braso. matambok din ang pwetang ng ate mo! perfect. landi mode: titig. lumabas sia, pumasok ako. lumingon sia. natawa ako. sabi ko sa sarili ko, isa pang lingon bakla ka nga! lumingon si ate. confirmed! umalis ang tren. wala na si mrt.

EGO TRIP 3: shelbomb!

sa LRT. papasok na ako. malayo palang nakite ko na ang isang shelbomb. itsura pa lang e alam mong patola na ito at givelove ng andalu! naloka ako sa tingin. ang ngiting may ibig sabihin. may presyo. bigla ako kinausap. naloka ako. san daw ang punta ko. sagot ako. jan lang. san daw baba ko. sabi ko malapit lang. tanong ako ikaw - recto. ah sagot ko, hanap daw cia ng *@#@$%#%#$^%$^$ bastos na ang mga sumunod na statement. ako - lumayo. scared.

di naman ako maganda ngayong araw pero bakit ganon? ahahah.

naniniwala na ako. na may asim pa ako! maganda ako! at di ako nagmama - G!!!!

pag dating ko ng office.

inis naman ng konti.

masama ba na magtanong kung "san ka?" or " online ka? "

pagusisa na ba iyon?

eto na naman. ang OA na naman.

bakit ba ganon? masama ba ang magtanong ng ganon? kung alam ko kasi OL ka di naman na ako magtatanong. OL ka nga di ka naman nagrereply sa message. oo hindi ka pala txt pero wag mong gawing issue ang pag tanong ko.

kung issue at usisa ang dating better for me to shut my fingers (ahahah) di kasi pwde mouth kasi txt.

kidding aside. di naman ako OA.. oo may problem ka. oo naiitindihan ko un. pero simpleng txt lang. utusan ka mag ol? tapos sasabihin mo busy ka tapos nagdedemand ako. hay.

minsan masakit sa bangs. masakit sa intestine.

nakakainis lang.

ranting mode lang. pasencia ka na na blog ko. di ako makapag work kasi.

sayo,

sorry. my sincere apology that i have to put this in public.

im just airing out my toughts.

di na ako nag reply sayo kasi di na naman tayo nagkakaintindihan.

enough na yun na ganon ang txt mo. tanggap ko naman na.

wala na ako masasabi.

less txt less mistakes.

i rest my casE!

9 lbs and counting

di ko lam kung ano magiging reaction ko nung sinabi sakin na ang payat ko na. compared to my old pics. eto ang payat ko na nga. kapansin pansin kasi namayat yung mukha ko.

sabi ni rowan na di lang daw sya sanay. nanibago lang daw sya.

sabi naman ni dave, ano daw ginawa ko? 9 lbs daw ba dapat na mawala o yun na yung nawala.

sabi ni lach, ano ginawa mo? bakit payat mo?

sabi naman marion, ang nipis mo na sir! lumubog mukha mo.

sabi naman ni mike, hanggat alam mo na di ka pa mukhang bangkay gow lang! *exag lang ako.

pero i still fill comfortable naman and healthy with my weight.

kulang pa. kasi from 153 to 144. kulang pa.

pag na achieve ko na ang 135 or 130 mag gygym na ako.











siryosohan na ito!

Thursday, March 5

RD bukas

RD-rest day.

yan ang drama ko bukas.

pero eto IT:

before lunch dentist - pa adjust and cleaning
lunch
after lunch - samahan ko si LA sa interview
pagkatapos
meet ko si Jacq sa MOA for her wedding plans.

shoot.

tapos pasok ako 5 am kinabukasan.

samahan si mommy sa make up artist
tapos hatid cia sa farview for the wedding
then sundo.

then tulog na ko.

night shift ako sa sunday till thrusday.

tapos off ako.

tapos tegs.
syet!

Wednesday, March 4

THE SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS



yan ang title ng kwento ngayong araw. kelan lang naman nangyari yan.

ganito kasi yun. tapos na ang oras para sa pagtatrabaho. eto kami mag pupunta sa iskwela - starbucks. aattend kami ng klase dun. dami kasi namin klasmeyts na madalas nakikita dun. si ykhing nauna na sa klase nung linggo. kaya ako, si gelo, dhey at karren ang hahabol sa klase.

dun nagsimula ang kwento.

chapter 1: Hagrid de Balete
*Horror Story

Si Danaya, galing ng bahay nila. nag txt na maleleyt cia sa klase. ang dahilan. meron syang hahanaping propesor. Si Hagrid. Personal tutorial kasi ang keme. Si Hagrid e nakatira sa Puno ng Balete sa Balete Drive - kung saan maraming kung ano anong kababalaghan ang maaring makasalimuha dito. Naunang dumating sa balete drive si Danaya ay isang magandang dilag. Puno ng ningning ang kanyang mga mata. kung kaya naman Si Hargid - isang higanteng di mawari ang anyo ay nabighani sa kanyang kagandahan! Naloka si Danaya nung makita nya si Hagrid. Kung kaya't wala pang ilang minuto e nawala si Danaya. Ang kapangyarihan ng krystal na lupa ang bumalot sa buong balete drive. naiwan si Hargid. Tumangis.

Dun na nagsimulang lumabas ang Hargid upang kumain ng mga di ka nasa-nasang mga nilalalang. sa tuwing cia ay makakakita ng magandang dilag, ito'y kanyang kinukulong at unti-unting kinakain. *scary!

chapter 2: Baby and the BEAST
*Not another LOVE Story

Isang kwento ng inakalang kwento ng pag-ibig ngunit ito'y kabiguan. Si BeBe - ang larawang ng isang dalagang marikit, mahinhin, kagandahan at sumisimbulo sa kapayapaan. ang kanyang mga mata'y tila bagang pumupukaw sa mga kalalakihan. Minsan nang naghintay si Bebe sa ilog. Nakikipaglaro sya sa kalikasan. Ang kanyang mga paa'y ninanamnam ang daloy ng tubig. Kalaro nya din ang mga ibon na umaawit sa sanga ng puno.

Isang araw, sa kanyang paglalaro, isang lalaki ang dumating. Si Bogart - matipuno ang pangangatawan, ani mo'y galinig sa isang kaharian na kung saan iba ang lenguwahe. Tila nanggaling ito sa ibang lupain. Tikas na tikas ang kanyang pangangatawan. Lulan ng kabayong puti nakasalubong nya si Bebe. Isang lihim ang di nya masambit kung bakit naka takip ng maskara ang kanyang mukhang. Sa una'y ayaw makipagkilala ni Bogart kay Bebe sapagkat kasama ni Bebe ang kanyang mga naggagandahang mga kaibigang dilag.

Hindi nakapagpigil si Bogart, kung kaya't gumawa ito ng paraan. Nakisama ang pagkakataon. Si Bebe na nasa hardin at inaamoy ang halimuyak ng bulaklak ay biglang sinungaban ni Bogart si Bebe. Nagulat si Bebe pero sabi nya sa kanyang sarili, "mukhang masarap naman cia"

nagulat si Bebe dahil inglisero ito - dinugo ang ulo ni Bebe. Sinubukan nyang saumagot ng ingles ngunit di nya kinaya.

namatay si bebe di dahil sa pang ingles, kundi dahil inatke ito sa puso dahil sa mukha ng Bogart.

Sad.

Chapter 3: Gollum in the Dark
*uninteresting story

minsan may isang lalaki na nasa dilim.
ayun nasa dilim nalang cia habang buhay.
wag na sana cia masikatan ng araw.
di ka nasa nasa pag nakita.

sa dilim siang naglalagi.
siya si gollum.

end of chapter

Tuesday, March 3

patikim!!!

ayan, bibigyan ko kayo ng konting patikim kung anong nangyari nung weekends!

syempre pa umakyat kami ng pico de loro.

eto pic ko:


eto sa summit:


tapos me kwento ako..

nangyari kahapon/kagabi:

series of unfortunate events sa school! :P

bukas na kwento busy ako eh. LOL! :P