eto na ang kwento ng hotair balloon.
first day ng hotair balloon - february 12. kasama ko si LA. february 11 kami umalis ng manila. dahil maaga ang simula ng event, inisip namin na mag stay nalang sa isang hotel. salamat naman sa savanah hotel na ciang kumupkop samin. *pasencia na at di ko nakunan ang kwarto ng hotel at labas ng hotel.
naka pagcheck in kami ng mga pasadong alas diyes. kwentuhan. tapos natulog. maaga kami gumising. alas kwatro y media ng umaga. nag turuan pa kung sino unang maliligo.
pag dating namin dun. madaming mga estudyante ang nakapila. bumili kami ng ticket - 100 isang tao. pag pasok namin eto ang bumungad. lobo ng caltex.
nagpunta kami sa dulo na kung saan nandun ang mga tao na naghihintay sa pag lobo ng hotair churvah.
kumain muna kami ng breakfast. pareho kami gutom. pagkakain. mga pasado alas sais na nung nagsimula ang program. me tatlong lalake ang nag sky dive. dala nung isa ang philippine flag. sabi ng host "the event will officially start once the flag touches the ground!" sosyal. galing pa sa ere.. eto yun o:
pagkatapos untiunti ng lumubo ang mga hotair churvah.
nakakaliw silang tignan. isa isa silang naglalakihan!
sabi din ng host, kaya daw umagang umaga ginagawa ito dahil sa ihip ng hangin. kelangan kasi sumabay ng hangin ang hotair balloon kasi kung hindi pede mategs ang mga sakay nito.
eto na nung totally inflated na ang balloon:
ang sayang tignan ng mga lobo. ciempre pa di namin napigilan magkaron ng jump shot! :)
di din namin pinalampas ang masarap ng cake dun sa event:
ciempre bumili din kami ng souvenir mugs! :)
umuwi muna kami ng hotel mga alas diyes. natulog uli. tapos bumalik ng hapon.
marami pa ang nangyari. exhibition ng eroplano at kung ano ano pa!
saya nung araw na yun!
No comments:
Post a Comment
sabi mo nga: