status: IT'S COMPLICATED!
yan ang madalas na nakikita ko sa status sa friendster. pero ano nga ba depenisyon ng mga katagang yan!?
sabi ni Avril:
"Why you have to go and make things so complicated?
I see the way you're
Acting like you're somebody else
Getting me frustrated
Life's like this you
You fall
And you crawl
And you break
And you take
What you get
And you turn it into
Honesty and promise me I'm never gonna find you fake it
no no no "
sabi ni pareng webster:
"Main Entry: com·pli·cat·ed
Pronunciation: \'kรคm-pl?-?ka-t?d\
Function: adjective
Date: 1656
1 : consisting of parts intricately combined - a complicated recipe
2 : difficult to analyze, understand, or explain - a complicated issue "
kaya nga siguro marami sa mga tao ang ganon ang status. magulo. mahirap intindhin. ang sakit sa bangs ng explanation. mahirap kalaban sa pag unawa ng mga bagay bagay.
ngayon parang ganon yung pakiramdam ko. magulo. sala-salabit. di ko lam kung anong mga bagay ang dapat paniwalaan. sa totoo lang challenging ang buhay. minsan dapat marunong kang makiramdam sa takbo ng hangin or kung san ba tutungo ang daloy ng tubig. kelangan mo rin matutunan kung ano nga ba at san ka nga ba dadalhin ng tadhana.
pano kung meron kang bagay na di maintindhan? san ka kukuha ng sagot? san mo hahagilapan ang bagay na magsasabing ito ang katotohanan? sino ba ang magsasabi na ito ang tama o mali?
sa tingin ko si Teacher EXPERIENCE.
experience ang sabi nila na best teacher. nakita at nakausap ko na cia. pero minsan para bagang di pumapasok sa klase se teacher EXPERIENCE. parang bula na bigla nalang maglalaho. kaya ang tao e kung sang sang classroom na lulupalop.
paranga ko nagyon, di ko lam kung sino klasmeyts ko, sang silid kami at anong subject?
pano kung si seatmet e mahirap kalaban? pano kung mas magaling pa sayo? pano kung sya yung si AVRIL na kumakanta ng COMPLICATED? pano mo iintindihan ang klasmeyt na katulad nya? infairness, di madaling mag adjust. lalo na kung wala pa kayong 30 minutes magkatabi. diba mahirap? kasi kinikilala mo palang sia. may mga bagay na siryoso ka sa tanong mo sa kanya tungkol sa seatwork pero ang sasagot nya sayo e kalokohan. so, siempre adjust ka. level ka lang. eto ka, nag tanong ng isang tanong na derecho - walang pag aalinlangan - dahil sa pinakita nya sayo kaya ka nag lakas loob na bigyan ng isang derecho at makatotohanang tanong. sya naman na imberyna! na mali ang pagkakaunawa ni seatmeyt sayo. san ka ngayon lulugar?
kahit na paliwanagan mo, parang wala na. ayun ka na! kahit na sabihin na ganon na nga e wala ka na talaga magagawa. lumipat nalang sia sa row 4.
eto ka nag mukhang tanga. wala ng seatmeyt!
pero ano gagawin mo - IINTINDIHIN mo nalang cia.
dun biglang pumasok si Titser Eksperyens.
madalas - ikaw nalang makakaisip nito. na tapos na pala ang lektyur ni titser.
di mo alam kung pumasa ka o hindi.
...
it's complicated sabi uli ni friendship friendster.
...
minsan nakakahilo.
ako ba ang immature?
ako ba ang di nakakaintindi?
o sadyang AGRESSIVE lang ang karakter ko kaya walang kyeme na mag tanong or mangulit.
o ako ang UBER sa mga bagay bagay?
kelangan ko ata sampalin ang sarili ko at sabihin, hinay hinay lang. kelangan ko ata kausapin ang sarili ko sa mahiwagang salamin ni ate boy abunda.
kelangan ko ng self realization assessment ngyon din!
...
oras na ng eksamen:
Titser EXPERIENCE: you only have 1 hour to finish your self-realization assessment.
asTIEGE: titser, may i go out?
TE: ok, gow!
asTIEGE: hingang malalim, iihi, hugas ng kamay sa lababo. punta sa isang sulok. dun gagawin eksam.
...
and it's COMPICATED.
No comments:
Post a Comment
sabi mo nga: