Wednesday, February 25

WOPLA!


nakakalungkot isipin na may mga pangyayari sa buhay natin na di natin ginusto na mangyari. kung minsan di mo namamalayan kung ano o sino ba ang nagbabago - ang paligid mo ba? o ikaw?

nakakalungkot.


kasi marami ako gusto gawin di ko magawa.

gusto ko sumulat pero kelangan ko unahin trabaho ko.

gusto ko makipagkita sa ilang tao pero di naman pupwede - maaring oras din ang di pumapayag o ang sitwasyon mismo. pang umaga kasi ako simula nung lunes. dahil na rin di ako nakapag blog ng ilang araw parang pakiramdam ko me kulang sakin.

di ko lam kung ako ba ang me problema. o oras ang plano

WOPPLA!

Walang.Oras.Pero.may.PLAno!

gusto ko makita si bebe gandanghari. makipagkwentuhan sa kanya. parang yung dati. pero malabo - nakakulong cia ngayon.
gusto ko sumulat ng sumulat.pero di ko magawa. kelangan unahin ang trabaho.
gusto ko manuod ng sine. pero di naman kaya ng oras ko.
gusto ko bumisita sa dentista pero wala oras.
gusto ko magkape pero late na - sana matuloy mamaya
gusto ko ibalik oras pero di pwede.
gusto ko lang naman makasama ka pero di pwede.

gusto ko. e gusto mo din kaya?

ako WOPPLA!

e ikaw WOPPLA ka din ba!?

2 comments:

  1. ano bang work mo?slave ka na jan ata sa work mo hehe no work no play na ang drama a!

    I like your stories kaya im following you na from now on para masubaybayan ko toxic mong buhay hehe

    ReplyDelete

sabi mo nga: