Saturday, January 31

Shang's cafE



there's a not so new coffee shop at shangrila hotel edsa. it is located just beside
Fullybook. i ordered cafe mocha and apple turover.

infairness, nakita ko din dun si chef. at nakunan ko ng picture yung mga pastries na ginawa. sarap tumambay din. cozy yung place.


rating:
coffee - A
price - A hehehe mura kesa sang coffee shops
place - A
cleanliness - A
staff - A


wala lang yun lang gusto ko ilagay.

eto mga pics

Friday, January 30

ang TAKDA



eh kasi naman ang ilan sa masugid na mambabasa ng bloglandia ko e ang daming nagtatanong kung si BABY G daw ba ay si DYOSA, ang TAKDA!

ang sagot ko!


WWWWWWWWWIIIIIIIIIITTTTTTTCCCCCCCCCHHHHHHHHHHEEEEEELLLLLLLLZZZZZZZZ!

ang takda ay takda. ang dyosa ay dyosa. si baby G ay si baby G!

Cynthia PATAG ang takda?

hmmm...parang gusto mo humingi sa weyter ng italyan resto ng PAMINTA!

parang gugustuhin mo din na mag send sa 2366 ng PAMHIN_ON at ishare a load cia!

pero wit! Dahil ibang iba ang TAKDA! Ang Dyosa ay marunong magbihis ng kung ano anong kanyuan. Dyosa TIERRA, Dyosa CIELO, Dyosa Agua ngunit iisa lang ang panagalan nya JOSEPHINE! Kabog!

Si Josephine ay mahinhin. dalisay at makabagong pilipina. marunong syang mag anyong tao at dyosa sa TAKDANG oras. ngunit maraming nakakamoy nang pagiging kakaiba nya ni Josephine!


kung minsan nakikita syang anyong DYOSA AGUA (sirena)! ibang klase sya mare! nangangabog sa kaliskis. ikaw na minsan ang maging dyosa ng tubig! EWAN ko lang at mahirap ciang kalaban!

Minsan may nakakita sa takda na anyong ibon - DYOSA CIELO. Ang kapangyarihan nya na lumipad sa kalangitan sa pamamagitan ng usok/steam! dun nag lilimlim ang takda! kasama ng ilang likhang pang himpapawid pero minsan may mga hipopn sa langit! Kalorkey.

Eto pinaka bago. ang anyong DYOSA TIERRA! Malakabayo sa lakas! wit ko na kite ang pagiging malakas nya. pero ikaw na lumaban sa dyosa. Kitang kita ng mata ko ang pagpapalit anyo nya upan maprotektahan ang KABANUA! Kaloka ang pag kakakite ko kay DYOSA! TAKDANG TAKDA!!!


naku, tama na ang pagidolo ko kay DYOSA! Isa lang masasabi ko..

COME OUT COME OUT WHERE EVER YOU ARE JOSEPHINE!!!

MAS magagampanan mo ang pagiging takda mo kung nasa LABAS ka!

Tara kaibigan, USAP Tayo!

Cynthia PATAG si Josephine aka DYOSA/TAKDA!?



wai clue!

chury!

G101


Dala ng epekto ng KAPE ng starbucks kagabi. eto ang kwento ngayong araw:

i-define muna natin ano ang G101.

G [noun.] - tao. kasarian - di tiyak. boSSanian - ikaw na maging SPM. Rica Arambulo. Laman ng ispa! hmmm bandang QC pero di ko sasabihin kung san. panganay. taga bundok. *tama na clue. Tago natin sa panagalang.. .

*janjajajanjanjan!!!! >>> BABY G!

ano nga ba ang G101. Maraming mga bagay ang pupwede mong ilagay sa titik G. Pwedeng G-guhit101. G-gagambino101. G-upitan101. G-gahgah101. G-Gelay101. pero ito malufet - G-Gayness101. pero di naman yung mga nabanggit e yun na ang kahulugan ng G.

eto na nga..

kasi sa starbucks nagsimula lahat. naghihintay ang 2ng hitad sa pag dating ni Baby G at ni rhodora. Si Verushka at si Yvanka ang naunang dumating. galing kasi Si Verushka sa laro ng pangmayaman* - Badminton. *Char lang.

Pagdating ni Baby G at Rhodora. nagkantyawan muna. Dahil si Baby G ay bagong sweldo, sya ang nakantyawan. Si yvanka wala anda - thank you girl sa office. kasalukuyang PAL sa kanyang airport sa cubao. Si Rhodora naman pinalad. nakakuha ng libreng Tall drink mula sa starbucks. Si Verushka - me anda pero deads. Di nya momment!

SUCCESS! Nilibre kami ni Baby G.

Order namin sa cuticle na barista:
one tall iced caramel macciato for RHODORA!
one venti java chip for BABY G!
one venti white mocha for Yvanka!
one venti coffee jelly for Verushka!

winner! ala sex and the city lang.

going on with the story. Si baby G kasi e pepermint mocha mode sa jopisina! witikey beyonce KNOWleS sa jofis. pero me kakaibang smelanie marquez. one time kasi si K. Beckham nakasalubong si Baby G - kajoin force ni Baby G ang isang bilat na ka-jofisina.

K. Beckham: "Ang hirap mong kalaban, FRIEND!"
BABY G: *smile taas ng kilay at walk out. DEADMA!
K. Beckham: "Ako naman ay Deadma lang!"

dun na nga. kaya naisipan na gawang ng G101. meaning oder ka ng EXTRA VENTI PEPERMINT MOCHA pag nakasalubong mo sa Baby G.

DO's and DONT's with Baby G. aka G101:
1. Do greet Baby G but Dont call him Baby G - Girl, Friend, Ate, Che, Diche, Mare, Beky,
2. Do smile and talk to him when he's alone but dont talk to bozanian if he has companion.
3. Do use the proper language - ENGLISH/TAGALOG but never the Ms.UNIVERSE/Glingo/Dyosa mode if he's with fellow bozzanian.
4. Do RESPECT him but Don't over respect him with GFriends! :P
5. Wag ispluk ng kung anek pag nasa bahay si BIG BROTHER.
6. Magpahid ng lotion - pepermint scent pag nanjan.
7. Type PAMIN_ON and send to 2366 and PAMIN_OFF to 2366 kung kinakailangan.
8. isang ubo lang tanggal na ang kati!
9. mahirap kalaban ang bozanian. kawing kadikit!
10. wa pa sia carla estrada pero meron sia FX!!!

naku dami na nasusulat tungkol kay Baby G.

Si Verushka naman ay deadma lang.
Si Rhodora nag lalaba.
Si Yvanka ayun tour of different continents sa paghahanap ng workalu.


sindyang hindi ipakita ang kanilang larawan upang matakpan ang pagkatao ng mga karakter na nabanggit sa itaas.


pictures below:
Yvanka, Baby G, Rhodora and Verushka



tandaan:

"mahirap kang kalaban!" " Alam mo yan!"

Wednesday, January 28

peksman masakit!

" sa ngalan ng kagandahan - ako naman ay deadma lang! "

ampootik.. sobrang sakit. kala ko yung adjustment nung isang buwan e parusa na. HINDI PALA!

nung lunes, bumisita uli ako kay doktora CHE. tinanngal na nga yung bite guide (parang extension ng ngipin) na nakapatong sa kapwa ngipin.

eto pinalit nya. PUTIK! isang mas mahabang spring para maitulak ang pangil ko sa kanang bahagi sa taas! :( infairness, masakit!) PEKSMAN, MASAKIT!

at hindi pa dun natatapos ang kalbaryo...

nilagyan nya ako ng button - di lang isa kundi DALAWA! yung button e nakalagay sa bandang likuran ng ngipin. lagayan sia nga elastic rubber na ikakabit sa taas na bahagi ng brackets. so naiimagine nyo na ba?

eto picture:


at siempre kain lang ako ng lugaw, oatmeat, lugaw, oatmeal, lugaw, oatmeal. pag may pera masarap na soup!

kaya sabi nila namayat na daw ako. nabawasan na tyan ko.



syet. kelangan achieve ko ito! pero promise..

masya ito. pero



PEKSMAN MASAKIT!

Tuesday, January 27

movie review: The "Thank You Girls"


kahapon. lunes. nanuod kami ng The Thank You Girls sa Galeria. Kasali kasi dun isa sa mga kaibigan namin. Si ARI.

nakakaliw yung pelikula. indie film ito - isang visayan film na me halong lingwahe ng mga dyosa! tungkol sa mga badet na beterano sa pag sali sa mga MG (Miss Gay). Lahat ng bayan at kalapit probinsya na pwede nila salihan e pinuntahan nila. 6 na beauconera sila. nakakaaliw nakasakay sila kay CHAR lang - jip na kasakamasa nila sa pag byahe. sa pagtakbo ng pelikula masasalamin kung pano nila tanggapin ang pagkatalo at sabihan ng THANK YOU GIRLS! nakakaliw ang mga litanya nila. simula sa pagpapakilala ng sarili hanggang sa talent portion hanggang makabilang sa Q&A na tyak na tatambling ka sa mga sagot!

eto ilan sa mga natandaan kong palitan ng tanong:

G1: Define darkness?
G2: If God knows, God knows!
G3: Thank you for that mind bogling question...
G4: I do believe that...

di ko na matandaan. panuorin nyo yung trailer:http://www.youtube.com/watch?v=SwyQ6dfgw

tatawa kayo. promise.

sa iba ang dating mababaw pero nakakaliw! try nyo!

friday haircut!


bago ang kwento at kung ano ano pa! share ko lang yung pagupit ko nung friday!

eto ang aking beloved straight haircutter! :P

meet my dear BENJ! infairness sinundan ko sya from menage to vivere!
kahit malayo at daot ang SM Annex atak lang for the sake of vanity! :P

at eto pa ang kwento...

kasama ko si dhey. nagkita kami sa gayway, nakita ko din si green 3. sayang di namin nakausap ni rodel. kasi naman si dhey. :P

pero going back. kinuha ko din ang pinsan ni beaux na si LG (USB) dahil libre kasama nya nung binili ko. nakita na naman namin si fafable salesman. pero deads.

so ikot dito. ikot dun. tempting sa trinoma.

wala pa din si mommy. kahit si dimple wala pa. antay kami. txt-txtan kami.

aba nag txt ang benj my dear. 7 daw uuwi na cia.. at anong petsa na? 645pm. putik. i fell the pressure right now! syet!

nagmadali kami nag tour ng quezon city. from trinoma papuntang da block, tas sm north tas anex na!
nawawala din sila mommy.

tawagan kami hanggang sa magkainisan.

pawis na pawis ako. tagaktak ang pawis. pero naghihintay si benj my dear. so pinakalma ako. wala deads.

embyernadet sembrano ako kasi naman talaga kami magkakitaan. isa pa wala pang signal sa loob ng salon (how poor!) echos!

so ayun na. nakasalang na si dhey. ako nag pa linis na din ng anit at buhok. si ate na nag assist parang may puot sa buhay at kumain ng dalawampung kilo ng ampalayA!

pero deads uli.

ayan ginupitan na ako.

tapos si mommy din.

tapos hinatid kami ni benj sa mrt. infairness para di na kami maglakad. sweet! syet!

kami naman walkathon sa trinoma.

kumain kami sa ABE sa taas yun e. masarap ang sinigang na bangus belly with ripe guava! winner! bamboo rice and crispy shrimp!

winner talaga!

tapos umuwi na kami.

ganon lang.

Friday, January 23

weekends

mga friends, online fans, masugid na sumusunod sa aking mundo...

pasensya na kung di ako makakpagsulat ngayong weekends. sa mga kadahilanang bagay:
> sasama ako sa isang grupo ng mga mamumundok - www.guys4mountains.org - dati na ako sumasama sa kanila sa pag akyat, ngunit ngayon nalang uli ang pagkakataon na makasama ako. yahoo excited ako! kaso mainit ang Mt. Talamitam. magdadala ako ng sun block. basta intay nyo ang blog ko at pictures.

syet. me utang pa ako sainyong kwento. babawi ako.
> magpapagupit kasi ako mamaya. ehehhe
> meron kaming presentation kay bossing. as in 15 minutes simula na.
> pag balik ko ng lunes. update na agad ako.

intay nyo ako.

see you.

astiege

Wednesday, January 21

nang ma leyt si tukmol


eto ako ngayon nakaupo sa kapehan. nakaharap kay beaux.

naghihintay sa wala. di ko kasi alam kung me inintay ba ako o wala lang.


tumambay lang dito sa tomas morato. mag-isa. kasama ng ensaymada at kape ni aling gloryang naka maong!

di ko lam kung ano dapat kong gawin.

ang plano kasi, me kakausapin akong tao - oo tao at hindi multo. pero nangyari e multo nga. kasi dumating kasama ko.

o dahil kasi nainisp sia? e trapik sa kalakhang maynila. ano magagawa ko?

oo na meron na. kung gumising ako ng maaga. kung di ako namalantsa ng susuoting polo. kung nangtutbras ako ng mabilis. kung di ko siguro kinausap yung inidoro namin di siguro ako maleleyt. siguro kung akin yung daanan at pag aari ko ang c5 malamang e naka abot ako. kung me kotse siguro ako e nakadating ako ng maaga.

naiintindhan ko naman kung bakit walang cell phone number. pero katulad nyan. ang hirap. kasi di ko lam pano ko kokontakin ang isang multo. ni hindi ko alam kung pano ko ipapaalam na leyt ako. o baka naman ibang kapehan ka nagpunta?

sa tingin mo?

ako dito lang. nanamnamin ang kape. ensaymada, wifi at si beaux!




gudlak sakin.

Monday, January 19

aptershak

ilang linggo naman na ang nakalipas simula nung lumabas ako sa TV. Di bilang guest sa isang talk show or kumanta sa SOP kundi maglaro sa family feud. nagulat nalang kasi ako nakahit san ako mapunta e pinagkakaguluhan ako. meron pa ngang batang gusto mag pa autograph! akalain mo madaming nakakilala sakin. kelan naman daw ako sasali sa eat bulaga or sa all star k or sa sis or sa wish ko lang. nakakaloka ang ekspposyur na nagawa ng game show. akalain mo yun!

dami daming gusto mag pa piktyur. ako na yung tumatanggi kasi nahihiya naman ako. minsan lang ako mag awtograp at pumirma ng madaming bilog tas burahin. pati janitor dito, guard, tindero ng yosi, starter sa terminal. driver ng fx/jip/bus at mrt. di mapigilan.

di na nga din ako ininspek ng guards ng mall. ibang kaklase talaga. akalain mo yun!

TING!!! gising na!

ilusyon ko lang pala yun!

pero infairness, me ilang kakilala ko na nakapanuod. isang chatmeyt eto usapan namin:

j: hoy napanood kita sa tv
astiege: ehehe
astiege: talaga?
j: oo
astiege: kelan?
astiege: san?
j: galing
j: telegenic
astiege: ahaha
astiege: kala mo lang
astiege: e ganon din naman itsura ko sa personal;
j: sa family feud ba un
astiege: ehehe
astiege: oo
j: hahaha
astiege: =)
j: nanalo naman kayo
astiege: one day
astiege: :)
j: galing
astiege: :)

eto pa isa:
jo: uy kita kita family feud hehehehehehehe
astiege: ehehe
astiege: kuya musta?
jo: uy aus lang
jo: gwapo mo sa tv hehehehe
astiege: naku talaga?
astiege: ehehe

akalain mo pati ang nasa pantry si kuya:
*tv bukas sa family feud - early dinner

Kuya: sir pwede?
astiege: pwede!!
Kuya: napanuod kita! galing ah! Gwapo
astiege: hindi ako yun.

the rest bolahan na para lang mabigyan balato.

balato kayo jan. bato ako! kelangan ko pera!

ahahah.. nanaaliw lang hanggang ngayon me bumabati sakin :) syet!

ang kwento ng baguio

alam ko madaming nag-aabang ng kwento ng mga pangyayari sa baguio. (o isa lang akong assumptionista?)

di naman siguro... madami dami na din naman naaliw at nag babasa ng blog ko. sana nga! :)

pero bibitinin ko muna kayo kasi di ko pa na nalilipat sa cd ang mga pikpak. so walang kwenta na mag kwento ako ng walang kasamang pikpak diba?

makes sense? yes ingles!?

basta abangan nyo ha! :)

promise matutuwa kayo. kasi perst taym ko makitang nalasing nanay ko! HARHARHAR!

kwento ko lapit na! :)

bangan nalang.

Sunday, January 18

ano kaya..e pano kung?


nung isang araw ko pa ito naiisip. yung tipong naglalakad ako tapos ang bilis ng takbo ng utak ko. tipong di ko mahabol.

pero sinubukan kong sumabay sa sinasabi ni utak.




ano kaya kung.. o pano kung/pag...

ano kaya mangyayari kung bigla ako nakapulot ng 5 piso?
pano kung isang libo?

ano kaya kung makasalubong ko yung taong kinaiinisan ko tapos batiin nya ako?
pano kung di ko dama na batiin sya?

ano kaya kung dumating ang Dyos? pano ko kaya sya sasalubingin?

ano kaya kung nandito si R1? pano ko kaya isasagad ang oras ko sa kanya?

ano kaya kung me kotse ako? pano kung mabunggo ako?

ano kaya kung me sumampal/sumapok sakin? pano ko haharapin yung sitwasyon?

ano kaya kung di ako magsalita ng buong araw? pano kung mapanis laway ko?

ano kaya kung di ako pinanganak? sino kaya ako?

ano kaya marami akong pera? pano kung maubos?

ano kaya wala din ako trabaho? pano kaya ako mabubuhay?

ano kaya kung ako yung namamalimos?

pano kung naka wheelchair ako?

ano kaya kung meron ako eroplano?

pano nga kaya kung nanalo kami sa family feud ng milyon? ano kaya mangyayari?

ano kaya mangyayari sakin sa pagdating ng 2 pang taon?

pano kung maresign ako dito sa kinalalagyan ko ngayon? ano kaya ang gagawin ko?

pano kung dumating yung oras ng kinakatakutan ko?

ano kaya mangayayari?


aktwali, alam ko naman ang ilang kasagutan sa mga sarili kong tanong. may mga oras lang talaga na ganya ako mag-isip?
eto lang tinititigan ko. mission board na ginawa ko nung strat plan namin.

kaya eto nakatunganga. nag-iisip..

Thursday, January 15

gow na gow sa baguioW!!!



eto na mga friends!

aakyatin namin ang baguio - syempre sasakay kami ng bus. ayaw ko maglakad. LOL

eto pala email ng nanay ko:

Hello mga anak sa pananampalataya,



Meron na tayong house na tutuluyan. Salamat kay Cheng sa matiyaga nyang paghahanap.

Buti na lang at wala syang ginagawa J



Eto ang mga detalye:

Halaga ng bahay- 2500/day

Dec 16-18 total for accommodation –

Share per person – 357.14/day/pax

Fully furnished house wala lang silang fireplace ( sayang paulie, tskness)

Not included: toiletries and towels



Ano ang dadalahin natin:

- Shampoo, soap, toothpaste and toothbrush, towels

- Wag nyong kalimutan na dalin ang sarili nyo

- Magdala ng baraha

- Pinaka importante – magdala ng maraming pera para sa in between

- Makapal na sweater

- Medyas

- Mittens ( kung wala, magdala na lang ng pot holder un ginagamit kapag nag ba bake)

- Snow boots ( malay nyo umulan ng yelo, pangarap lang un)

- Shawl un pang winter ( para feeling nasa London tayo



Ano ang mga bawal:

- Bawal ang naka two piece bikini

- Bawal ang di umiinom

- Bawal ang tahimik



Eto ang mga may AR:

Paul – taga dala ng pang picture

Tiege – gawa ng itinerary ( ano ang mga papasyalan natin at anong araw natin gagawin)

Lyn and Mamush – pwdeng taga luto, pero kung marami tayong pera sa labas tayo kakain para wala ng huhugasan

Cha – taga ligpit ng mga kalat, taga timpla ng kape J

Dimple – taga laba (waaaaaaaaaaaaaaa)



Btw, estimated na gastos ng bawal isa mga 3K (food and accomdation) but if kakain tayo sa labas, syempre, feeling mayaman tayo eh ibang usapan naman un.



Violent reactions/last minute questions, bahala kayo sa buhay nyo!



Ang tanging ina nyo talaga,

Bernie

nakakaloka ang mga sagot ng mga utaw.

nag research ako kung ganong kalamig eto binigay sakin ng internet:



kaya nga nag dala ako ng sando at trunks para sa baguio. :)

pakapalan ito ng jacket. :)

pag balik ko ng manila blog agad ako. dala ko naman si BEAUX and ERA ko. :)

see you on Sunday!

sana maging safe ang trip namin!

happy weekends friends!

Wednesday, January 14

promise...

meron na ako draft. pero di ko natapos. dami ginawa.


balikan kita bukas.

promise.

babalik ako.

susulat uli.

chuzdey

tuesday.01.13.

apter opis, punta ako sa cubao. inintay ko si dhey. punta kami trinoma. kukunin ko na baby ko! this is really is it!

eto na.. heto na.. ahhhh ha....

so ayun na nga, bago pa sya mapasakin e, isang babaeng nang wawarla dahil ang binili nya na laptop e nasira. bumili daw sya ng worth 90K tapos ngayon nagsisisi kung bakit yun binili nya. sinisisisi nya yung nagtinda kasi bakit daw madaling masira. sana lang daw e mac ang binili nya.

gusto ko sana sumabat:

astiege: kung di ka naman isa't kalahating tanga. e bakit naman ang P@#$@#$@$ laptop na yan binili mo

ale: e kasi naman pink yung color kaya ko binili.

astiege: pwes. magdusa ka! ta-tanga tanga ka kasi. tapos sino aawayin mo? itong mga taong walang kinalaman. katangahan mo pinairal mo! BOBO!

ale: aba, kasalanan ko pa!? e tanga nga ako. di ko lam ang specs! e trip ko yung pink!

bigla ako tinapik ni dhey.

ilusyon ko lang pala. pero gusto ko talaga sumabat at sampalin sia.

pagkaalis nya. inaliw ko yung mga salesmen and women dun. kasi inaway nga sila. pinatawa ko sila. habang sineset-up si BEAUX! :)

nilaro ko agad si baeux.

ilang minuto pa lang binentahan nila ako ng panlinis kay beaux. 1,400 lang daw. me kasama na twalya. sabi ko e di ako nakapag-withdraw. next week nalang. pumayag naman sila. bumili na din ako ng memebership card nila. nauto nila ako. tanga lang! :P

tapos non e dapat sasama ko imit si angel ang bagong jowa ng kuya ko. kaso di na ako nakasama kasi naman si big brother e gusto goldilucks. nag assume pa naman kami ni mother na somewhere out there na mamahalin na kainan tapos ano na?! ending GOLDILUCKS. masarap naman dun, pasalubong ng bayan kasi. kaso nga. deads na ako. isa pa si dhey walang kasama. depression mode sia.

sinamahan nya ko magahanap ng showez para kay mother. choozzzzy kasi si mother. kaso wala naman size yung gusto nya at wala din sa trinoma. gudluck.

kumain muna kami ni dhey. habang kumakain, naninipat nipat ng posibilidad.

kaso WALA.

ikot uli kami. punta the block. sm north. ikot. aura. wala.

ending namin. Coffee bean sa trinoma. tineks ni dhey si cath.

nagreply si bakla. umiinom sila. sabi ni dhey sunod cia.

wala pang ilang kurap. ajan na sia.....

ayun na nga. kwentuhan. tawanan. pikpak. eto yun!





tapos uwian na kasi hahabulin ko yung mrt.

infairness nahabol ko naman.

masaya ako umuwi na kasama si beaux!


may bago na ako baby!!! yahoo!!!

Tuesday, January 13

moan-day



moan-day. 01.12
black day.


i decided to wear black longsleeves (from thailand), black faded jeans (buffalo), black belt (van heusen) and black suede shoes (maldita men). ooopps, i almost forgot - olive green bag from Tyler.

after office. i went straight to OSMA (ortigas site) to claim my prize! Yeah, you heard it right, I won an HP Mini Notebook 2133 last year end party!!! Yahoo!!! After 3 years of attending the party, finally my name was drawn! :)

I took the LRT and MRT - train was crowded - not that much. I drop off to Shaw station and walked inside Shang. Tempting - all stores are on sale. I convinced myself not to window shop. I headed to OSMA - went out of shang and walked.

On the 45th floor, a lady from front desk asked me to wait. I waited. After few minutes, she went back and asked me to sign a sheet of paper. She gave me the Abenson GC. This is it - in few minutes or so, I'll have a laptop. I went out of the building and walked. All the while I thought, the appliance center beside discovery was Abenson but it's Ansons. Errr - stupid me!

Along San Miguel Ave., I saw a lady in wheels (wheel chair). She's wearing a pair of gloves. From what I saw, i assumed she's tired. "How ironic, imbes na paa kinakalyo e kamay!"

I felt so blessed to have my feet. That momment, I appreaciate everything. God blessed me with so many things - my life, family, work and friends - ala nga lang love life.

I went to David's Podium. I had a quick highlights for FREE! Thanks to Ino.:)

I met up with Jaey at St. Francis. We went to Abenson and thought of getting my laptop. Unfortunately, the unit is OUT OF STOCK. I have to wait for 3-5 working days. I asked if the guy if he can check it with other branch. He called Shang - same result. Trinoma branch - no stock but they have a higher version but I need to add like 1k-2k. I did not place my order yet. We stick to our plan - to watch a movie. We went straight to the movie house and enjoyed Benjamin.

*wait for the other blog on benjamin.

After the movie, we parted ways.

My excitement faded.

Moaned.

Monday, January 12

the week that was...

weekend recap.
*ipagpaumanhin ang mahabang posting. mahaba ang weekend. madaldal ako kaya pasensya naman. basahin nyo nalang. masaya naman e! :)

friday night - 01.09

after spending 11 hours in the office - I'm finally free! :)

pakatapos ng labing isang oras sa pagakakupo sa harapan ng kompyuter - nakalaya na ako! Inisip ko na magpamasahe - para naman marelax. pero nag "oo" na ako kina GF/Nina. sasama nalang ako sa videoke. Ewan ko kung ano nakain ni POC at maisipang mag videoke.
Instant question: masasabi mo ba ang tao na "ispired" kung ang mga kanta nya e lovesongs? In love nga ba sya? (Dawho!?-walang clue)




tapos videoke nga. music match. nakita pa namin si B - da who ang ka jointforce nya? Hula ko becktas yung isa! Pero si B isang ruler - straight! deads.

pakatapos ng videoke na mahigit 2 oras. uwian na. pero hindi pa! sumama pa ako kumain - Behrouz wilson. dahil hindi pa ako nakakain ng tama - nag yogart shake lang ako. pero di ako nakatiis. ang sarap ng kinakain nila. tinikman ko. masarap nga. dahil subo lunok system ako, naubos ko ang pagkain! LOL! :P

nakauwi na ako alas kwatro ng umaga - shoot. kelangan ko ireskedule ang "date" ko ng alas 4. teks agad ako. wala sagot. zzzzzzzz..

01.10

pagkagising ko - alas onse y medya - putik maaga pa - sakit sa ulo. wala ako choice kundi bumaba at manuod ng tv. sinubukan ko matulog uli - pero madami nag teteks. nakakatamad pero kelangan gumalaw galaw. sa madaling salita. kumilos nga ako. sinubukan ko kumain ng kanin - 2nd attempt for the week - FINALLY! nakakain na din ako! award!

pagkakain, nahiga. tamad mode. pero kilos uli. alas 3 na. alas 4 ang meeting. pucha. tinamad ako pero naligo pa din. inshort, nalate ako! naka dating ako ng megamall ng alas 415.

teks teks kami ni jack - babae sya. nag-iisang klasmeyt ko na matyagang nakikipag kita sakin. ikakasal na kasi. kaya kami nag date. niyaya ko sya na kumain ng crepe - sa megamall. parang bago lang yung kainan. sa atrium. ako umorder - ako nag bayad. naka 400 din ako. pero keri lang marami ako pera! :P
pag kaupo sa pwesto - kwentuhan. madami tanong. kamusta buhay. ano ginagawa mo sa trabaho. personal. tinanong ko kung ano plano nya sa wedding. kung anong mga preparations nagawa nya. tinanong ko din motif ng kasal. nalungkot ako. old rose/pink daw. di ko bet. napaka old fashion. LOL. sabi nya yung nanay nung fiancee nya ang pumili. sabi ko bakit? e sya ba ikakasal? wala ka ba say para mapalitan ang kulay? sagot nya - WALA. peste. kung ako ikakasal walang makikielam. teka, moment nya yun. so ganon na nga. ako ang host ng reception. kinabahan ako. kasi chinese sila. baka mamaya merong mga traditional ek-ek ang mga ganon di ko kayanin. pero sabi nya. typical "modern" wedding daw. so hinanapan ko sya ng program. wala pa daw. June na ang wedding. kamusta naman yun! ni di pa nakakpag ayos ng gown, abay, invitation, venue, minister. kaloka! kelan nila gagawin yun sa april? sa may!? dahil concern citizen ako - nag volunteer ako na kukunan ko sila. pre-nup pics. yes, kala mo kagalingan ako. pero experiment yun! :P

ilang tawanan pa. sabi ko lang kelangan ko na umalis. pero sa totoo lang di pa talaga ako aalis. ang sama ng ugali ko. pero gusto ko kasi kunin yung sapatos ko! pero ayaw ko na gumimik ng me bit bit. nagikot-ikot muna kami.

alas sais.

sabi ko aalis na ako. naghiwalay na kami. papalabas na ako ng mall nang maisipan ko manuod ng sine. nung nasa 3rd floor na ako. napaisip ako - ano panunuorin ko? madaming choices. TWILIGHT - oo di ko pa napapanuod - mas pinili ko kasi non yung indie film kesa sa kanya. kaya maghahabol sana. pero sabi ko parang tagal na ng lumipas. deads na. TANGING INA YONG LAHAT - nakakatawa daw umpisa palang - kaso naisip ko baka bumili si mommy ng pirated - wag na sayang. nauwi ako sa 2 palabas. yung BENJAMIN BUTTON o THE SPIRIT. nakapila na ako sa booth pero wala pa ako desisyon. me lumapit na assitant, parang sa mcdo- advance call ng order. pero sabi ko mauna na yung nasa likod ko undecided ako. sinimangutan ako. tinitigan ko lang. irap! maldita mode. sa cashier nasabi ko lang - THE SPIRIT. putik.

napasubo ako. dun ko napagtanto na sana yung kay pareng Brad nalang. pero wala ng bawian. touch move ang tiket.

sa loob ng sinehan. konti ang tao. free seating. sa baba ako naupo. wala lang. wala talaga tao. walang tumabi o umaura. promise wala talaga - sayang.

ang gulo ng palabas. parang sin city. pero ok naman. nakaktuwa lang makita ang isang straight black guy - SAMUEL L. JACKSON na naka silver na eyeshadow. mukhang siyang trany na pinilit make up-an. tapos ang coat FUR! fabs! AMAZING! infainess, effect si eva mendez - with those bubbey and sexy lips! ang lola SCARTLET - super fabs sa damit at eye glasses! at ang yummy ni bida - Gabriel Macht nag pakita sya ng pwet. ari at kung ano ano pa - ECHOS!!! wholesome yun. abs and chest lang! yummy!

natapos ang palabas. attak sa gayway! tineks ko si nan - walang paramdam ng 1 linggo. tumawag. magkikita kami ng biglaan.

sa GAYWAY (gateway) - pudar ng mga badette, becky, twinks, peppermint, straight, pa-straight at gurls!

sa coffee bean. una ako dumating. nakapila ako para sa order ko - me peppermint na pumasok. kung makatitig kala mo walang bukas. natunaw ako. inisip ko me muta ba ako? panis na laway? alam ko wala. umaaura lang sia. ako - deads.

*putik ang haba na pala! tuloy lang


dumating si nan. kabay ng order ko. sa labas kami na upo. kwento kwento kwento. updates. ang lovelife - rocky. ang karir - magbobloom!

2nd instant question:
pag
"A++" ang lovelife, "F" sa karir? or the other way around!? TRUE or not so TRUE?


kwentuhan pa - dumating si Alvin - long lost friend na bumalik from SG. nagpalibre pa ng kape si beckham. me dumating na di kagandahan - si Mother TITS. buti nalang dumating si ykhing.

Sabay diyalog - "Mother, we'll go ahead."
Nan, "sige, sunod ako"
*halatang ayaw ka kuda si mother tits.

exit kaming 3. nagkasalisi gang kami nila Dhey.

sa starbucks - puno ng beckies (please see GAYWAY above).



order kami. dumating na si nan. 5 na kami. dumating si anggo na naka plunging v-neck bubei longsleeves top.

chikahan. updates. uwian na.

di pa nauwi kaming 4. kelangan me pagsalubong sa mapait na kapanganakan ni ykhing.

atak sa PALAWAN2. sagot ni ykhing.


naupo kami sa malapit sa stage. ang daming familiar faces. madaming umaaura. simula na ng okrayan sa pagkanta.



madami nangyari. ang haba ng show ng mga tranny. *pago na ako mag type. ayaw ko na isa isahin ang show!

alas 3 y media. nagplano na ako umuwi. papalabas na sana ko ng me nakipagtitigan. pinigalan ko sarili ko - sabi ko uuwi na ako. ang tagal ko din tumayo sa kanto - kasama si dhey. choosy ako sa cab. infairness, choosy din ang driver. sayang me itsura pa naman. borta. ulam. pero di ako sinakay. syet!

pagkauwi ko ritwales - tulog. echos. nag toothbrush. wash dito. wash dun. palit ng boxers then borlog.

01.11.linggo.

nag simba ako - mabait kasi ako. kasama sa resolutions.

pagkatpos ng simba. atak sa mega - lunch with famiy feud.

mga alas 3 pauwi na sana ako ng nag-ikot pa ako. bumili ako isang board shorts and plain shirt at isang black pinrted shirt. nakakaliw.

nagdesisyon na ako na umuwi. lalaro pa kasi ako.

alas 4 y medya. sa west drive, pasig. para sa badminton. ilan lang kilala ko. huling laro ko - last year. may or di ko na matandaan.

nahirapan ako maglaro. naninibago ako. pero deads. kita ko si crush. at bagong crush. dumating na ang ilan sa mga kilala ko.

tinanong ang nangyari samin ni X. sabi ko ganon talaga. happy naman ako ngayon.

natapos ako alas otso na. nagpunta pa ako sa depsdida ni mother nature. babalik na sila ni father nature sa amerika - lupain ng mga kapitalistang amerikano - opps. sorry.

umuwi ako alas dyes na.

natulog.

grabe na da wik dat was.

isusunod ko nalang mga pikpaks ko!

salamat sa matyagang pagbabasa.

Friday, January 9

minus one becktas

minus one becktas = sadness

malungkot na malaman na nalagas ang hardin. nabawasan ng isang bulaklak. kadikit namin siya dito sa opisina. becktas. nasan ka becktas.

teka, teka, teka, di siya nag-join kay Lord. Nagresign sya.

Masyadong mahaba ang kwento.

Kung pwede lang mag magik at gawan ng hipnotismo ang ilang tao tago nating sa panagalang "HR" at papaniwalain tungkol sa mga bagay bagay.

sayang.

kakatulala.

kakalungkot.

di pa alam ng marami. ilan pa lang. syempre ang hardin at ang mga bulalaklak at paru-paro lang nakakaalam.

ganon talaga. may mga pagkakataon na di na maibabalik. sayang.

di naman sya namatay. pero nakakalungkot lang. di na namin siya makakasama ng madalas.

makakasabay sa pantry (*may tindang napakasarap na pagkain - di ka na uulit), makakasama sa pag-igib ng tubigang balde, mag linis ng CR at magpacute sa lung center.

sayang.

kasi naman...

dibale, lahat ng bagay may dahilan.

magkikita pa naman tayo..

ikaw pa e batibot ka!

mabuhay ka valdezeD~

Thursday, January 8

weyting en beyn



Dental Ave.,
Nir Shang mall.


eto dito ko dentista. Perst blog gamot ang makabagong teknolohiya na ang tawag e wireless connection. Libre kc.


3ng bektas kasma ko: sina rye, jai n ykhing.

Si ykhing ka joint porse ko last saturdei.. Ksabayang pinarusahan ng dentista na di mkakain.


Si jai... Ksma ko lage umakyat ng bundok..narekrut ko...



Si rye.. Kelangan magpaayos din... Ayan ks. Kung ano ano kinakain.


Ang hirap plang mag blog ng maliliit ang kibord. Buti nalangh matyaga ako.

At buti nalang me internet...buti nalang...




Try ko muna ipost to,, mahirap ayusin yung pic. Iba format...

ayhartTYLER!

AYLABEEETTTT!

i just bought a new pair of shoes and a bag!

eto yung sabit na kwento sa atak of the chai tea.

eto yung binili ko from tyler:

  • a pair of oxford-ish off white shoes
an overnight olive green bag

The shoes. White/Off-white fan kasi ako. e mejo mahal ko yung parang ganito ng people are peole kaya mejo nakasmile na cia sakin. infairness, comfy tong sa tyle (tho i haven't wore it yet). pero nung sinukat ko, ola! kasya! comfortable and nice! even with shorts! :)

The bag. this is the first color that i saw. the leather was brown and green canvass. unfortunately, wala na. si ykhing ayaw nya yung bag - e kamusta naman ilan ba bag nya? echos! then i saw the brown and orange combo - hmm. i like it too pero puro brown na bag ko. pano kung black suot ko? kaya ayan, green. im not really a green fanatic. pero aylabeeet!

ayan, napagastos ako. buti nalang me converstion na! di na uli ako bibili. salamat sa convincing power nung sales man! ano ba number nya? LOL!


atak of d chai tea!

perstyam ko kasi gawin to. kahit na nakakahiya. gow lang!


nung isang araw ko pa ka-txt ang tatay albert. magkikita kami kasi nanghihiram sya ng neck tie para sa corporate planning nila kasi kelangan daw naka corporate attire - so redandunt kelangan me corporate ang lahat ng bagay. henweiz, pagkalabas ng opis, derecho ako megamall. alas 3 pasado nung makarating kami ng megamall. ciempre nakipagsisikan sa mga estudyante ng LRT at mga mangagawa sa MRT.

Umaambon pa nga nung lumabas kami ng MRT. pagpasok ng mega, naghihiwalay kami - si donnie, ako at emer. Umikot ako sa sa ground floor. Nagutom ako. Nag merienda ako sa gonuts. Hotchoco and cupkeyk. kesehodang sakitsakit ang ngipin ko at me singaw pa on the side. Deads. eat.

pakatapos, gow sa shang. Umaambon. Putik. mababasa bunbunan ko. echos! walk kahit ambunan ang labanan. pagdating sa shang punas gamit panyo. derecho sa crossing's department store. iko't ikot.

me nabili ako. pero mamaya na yun. ibang kwento ito...

545. pumunta ako sa starbucks. putik, wala pa din ang bonggang planner. pero di naman talaga yun pinunta ko. dun kasi kami magkikita ng tatay. umorder ako.

chai tea latte and chicken pandesal na ang laman e kokonti. puro tinapay. pero epek lang.

inom ng latte. kain tinapay. inom. kain. kain. kain. inom.

mayamaya pa dumating na si tatay.

pinakita ko ang tie. kwento tungkol sa biglaang dyeta ko. akala nya biglaan dahil trip lang. pero ang dami nya na nasabi nung sinabi ko na dahil sa braces ko.

sabi nya lang "ah. kaya pala."

pero balik sa kanya kwento. parang si kris aquino sa show nila ni boy. sila lang bida di ang guest. syet!

syet na malagket. yan ang sabi ng tyan ko.

habang iniinom ko ang chai tea e letse. kumulo tyan ko.

sabi ko "ah hangin lang. nabigla lang yan"

tinext ko si mother. papunta na daw sya mega. sabi ko sabay na kami.

sa mega habang naghihintay kay mother. sinipat ko ang pila ng fx. madami tao. madaming kalaban! sabi ko kelangan ko manalo maya maya.

pumatak ang malamig na pawis. di ako makadighay. di ako makadihay uli - natatakot ako. baka me chismis~!

"wala pa ba si mother?"

malapit na cia. OO malapit na malapit na!

nakuha pa mag aya ni mother. sabi ko wit! kelangan ko sagupaan ang atak of the clones!


sabi ko kita tayo sa palasyo ni queen amidala. kelangan ko sagupain ang mga clones!

dali dali ako umalis.

iniwan ang pinamili. sinugod ko ang mga clones!

sa gitna ng disyerto, nandun sa jar jar binx, nananalamin. sabi ko syet. di ako makakasugod. dyahe. baka marinig nya ang tunog ng light saber ko.

pero deadma. konti na lang ang oras.

pinasok ko ang kwenba!

atak ako sa mga clones!

ssszhhhhhzhzh1@#!@$@#$#@ tunog ng light saber

aba, ang jarjar nandun pa din. suminga si jarjar..

hinampas ko ng malakas ang light saber. shSHSAHASHDAHSDHASD!@#!@#$@#%$#

unti unti nawala si jarjar. naubos ko ang mga clones!

nag tagumpay ako!!!

nakangiti ako lumabas ng kweba!

syet, binalikan ko si mother sa palasyo ni amidala.

wakas!

Wednesday, January 7

owehanoneon?!




owehanongyaon?




kung naka neon ako na shirt?


kung mala highlighter ang kulay nya?


kung naka ice cream shoes ako?


kung nakatiklop ang manggas ng tshirt ko!?


kung magkaiba sintas nya?


kung naka whiteslim belt ako?


kung me purple ako na panloob sa mala-glow in the dark ko na thsirt?


kung masakit ngipin ko?


kung naka neon nga ako?




trip ko lang.




neon. so colorful. so... yun na!




e ikaw ba keri mo suot ang neon ko na vneck?




aber?




kaya mo bang mag glow in the dark?




owehanongyon?




*di ako ranting mode. gusto ko lang mag-angas!

Tuesday, January 6

biglang sakit...

Ewan ko ba kung bakit biglang sumakit yung dibdib ko. Dala marahil ng sakit ng sikmura. Di ako nakakakain ng tama. Di ako makanguya. Putik. Masakit pa din ang ngipin ko. Yung likod ng pisngi (*di ko kasi alam tawag dun) nag sugat na dahil sa hook ng molar band. pang nagsasalita ako gumagasgas. Masakit at di biro ang sakit.

E eto ang napapala ng gustong maging matino ang ngipin. Tama nga yung "no pain, no gain!" nakakapagod ang di pagsalita. pero mas nakakapagod pag puro salita. Biglang sakit. Nakaka-asar.

MAdalas pag stress ako sumasakit ang dibdib ko parang heart burn na parang hindi na parang ulcer na parang nalipasan ng gutom. Di ko maintindihan.

Gusto ko lang matulog.

Gusto ko minsan tanggalin na tong braces at ibalik after few days. Pero di pwede.

Pinasok ko to, paninindigan ko!

poooottttttiiiikk..


sa ngalan ng kagandahan ng ngipin.

biglang sakit.

Monday, January 5

valedictory speech on love

"di ba sabi nga you must be complete before someone has to enter your life. don't say you complete me. kasi paano kung umalis na yung tao, di ka uli buo? dapat you go together. mas nadadagdagan kayo. mas parang may volume kayo together, mas may substance na macreate. mawala man ang isa, di ka parang jigsaw puzzle na kulang ng piyesa" --- valedictorian ng row one.
Yan ang sabi ng taga valedictorian ng Row one. Kanya-kanya kasi ng paniniwala sa relasyon. Pero kung iisipin mo, ano nga ba ang tamang depensiyon ng relasyon? Bakit kaya may mga relasyon na talagang di tumatagal? Bakit meron naman pang habang buhay!? Yung tipong kabisado mo ang takbo ng dugo nya mula puso papuntang utak - lalamunan - atay - bituka - paa at kung san pa man dumadaloy ang dugo. Yung kahit tumulo laway niya sa pag tulog e keber lang. Bakit kahit ganong kapanget siya e tanggap mo pa din siya?! Yung tipong kahit anong panloloko o sakit na naidulot nya e mahal mo pa din siya
Gano nga ba kahalaga ang relasyon sa isang tao!? Relasyon nga ba ang 1 lingo or 1 buwan? Tapos sasabihin mo mahal mo siya? Di kaya niloloko mo lang sarili mo? Minsan nga me nag tanong sakin, "Kuya, pano mo ba masasabing mahal po ang isang tao?" Putik na tanong yan. May karelasyon ka at 1 taon na kayo mahigit tyaka mo pa ako tatanungin? Tinanong ko siya, "Bakit mo natanong yan? Ano ba nararamdaman mo para sa jowa mo?"
Ang haba ng txt nya. Parang binasa ni Ate Charo sa MMK. Inintindi ko siya. Nag reply ako. Nagtanong. Para mas lalo ko pa siya maintindhan. Ilang palitan pa at kahit papano naliwanagan ako at siya. "Mahal ko pa nga siya..." Nakakaloka. Alam naman pala niya ang sagot sa tanong niya.
Siguro nga kelangan lang ng isang tao na meron makikinig sa kanya. Sa kanyang pinagdadaanan.
Gaya nang nangyari sakin. (Syet, sharing time.. Syet talaga!)
Ang inyong mababasa ay katotohanan, sadyang iniba ko ang pangalan upang maprotektahan ang mga tauhan. Kung may pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, oras o pangyayari - DEADMA! Wala ako paki-elam! LOL!
"di ba sabi nga you must be complete before someone has to enter your life. don't say you complete me. kasi paano kung umalis na yung tao, di ka uli buo? dapat you go together. mas nadadagdagan kayo. mas parang may volume kayo together, mas may substance na macreate. mawala man ang isa, di ka parang jigsaw puzzle na kulang ng piyesa" --- valedictorian ng row one
Na in-love na din ako. Hindi sa hayop o sapatos. Di din sa damit o lugar. Sa isang TAO - may pakiramdam at humihinga! :P Nung dumating SYA sa buhay ko, akala ko nakumpleto ako - ang aking pagkatao. Maraming mga bagay ang nangyari samin. Maraming magagandang pangyayari. Maraming napagsamahan. Sa loob ng isang taon at isang buwan marami ako natutunan. Isa sa mga yun e natuto ako na magpaliwang sa taong tulog. Yung tipong nagpapahayag ka ng nararamdaman mo pero pag tingin mo e tulog ang kausap mo! Masaya yun! Parang si SISA lang. Natutunan ko din na ang iba't ibang paraan ng komunikasyon. Pag galit ka at di mapakali - kausapin mo sa pamamagitan ng "verbal communication" - personal, daanin sa Text o SMS, o kaya tawagan sa cellphone, o kaya mag email kung wala pa din. Itulog mo nalang. Baka kasi sa panaginip kausapin ka!
Sumunod na natutunan ko, mag alsa balutan pero hindi itutuloy. Palamig lang muna. Mag-inarte. Layas kuno - pero di ko matitiis. Kakanta si Gary V. ng "Babalik ka rin..." at ayun na nga babalik nga at makikiusap. Syet. Hanggang sa maging ok kayo. Parang wala lang. Nag day-off ka lang tapos balik sa trabaho. Papakapagod ka sa kaiisip kung pano mo siya mapapaligaya at magagawa ang nararapat.
Isa pa, natutunan ko na kelangan pag pumasok sa relasyon, marami ka baon - pagmamahal sa sarili, tyaga, effort, pagkamartyr, love, effort, patience, kamartyran, love, effort, patience, martyran at LOVE<>GOMBURZA!
Natutunan ko din na kelangan mahalin mo sarili mo higit pa sa sinuman. Para kahit na ganong kadaming pagmamahal ibuhos mo di ka masasaktan. Masaktan ka man, meron kang reserba.
Nang matapos at harapin ko ang reyalidad na wala na - as in WALA na. Dun ako umiyak. WALA na kasi. Para akong puzzle nga na nag kulang. Ang panget ipa-Frame kasi useless. Walang ganda. Di na pwede ibuo pang muli.
Pero buti nalang me tindahan ako nakita. Nakabili ako ng bago. Bumuo uli. At unti-unti kong natanggap na bago na nga ang puzzle. At hindi lang ito puzzle. Kasi I'll go together. Kung sino man yun. Para at least me volume. may substance. May relasyon. May dahilan. May esensya. May LAMAN. May buhay.
Sa ngayon naghihintay ako ng pagkakataon na dumating. Di na ako puzzle. Natuto na ako.
Sana lang sa pagdating ng bagong mamahalin ko at magmamahal sakin - Kumpleto ako! At handa din siya - kumpleto rin.

of braces and fashion



Hello Philippines!

Hello Blogworld!





My 2nd posting for the day!





Oh my, still suffering from the adjustment i had last saturday. I went to the dentist and had my braces adjusted. ampoooo@#$@#$#@ ang sakit. Dra. Che put a "spring" to push my teet to the left. Sa ngalan ng kagandahan at kadakilaan... panindigan! Another thing, she added the molar band. And since I got a wrong bite, she created an extention to my teeth. Imagine a cement added on top of you teeth for you to get the right bite. To add the torture, SSSSOOOOONNN.. as in soon i'll have my bio-churvah - i forgot the term. She said that I'll wear if I am not at work - sleep mode lang daw... Meaning, di ako makakapag salita pag suot ko yun. MUTE mode ON pag suot. Sana sa work pwede ko isuot - I can't imagine how would i conduct PEP if I have it. Sign language PEP. AMAZING!!!







here's how the spring looks like:

Putik, ang sakit!

I also got new rubber! First time to do mix and match!

CARTOON NETWORK insprired - BLACK and WHITE!


*effort sa pag edit! :)

This is how I look today: this is ME! My fashion! Myself! :)


TOP: black knits from Van Heusen
BELT: rainbow belt from cinderella - bought this way back 2005
CHAIN: leather chain by Giordano
WATCH: Timex 1440 sports
JEANS: Skinny jeans by Mossimo
SOCKS: by Ducks Unlimited
SHOES: Nike
Undies: Van Heusen - you can't see it! LOL!








I'll try to post my new year look tomorrow! :)

Enjoy the day!

Back to reality...

Back to work...

This is my day...