Sunday, January 18

ano kaya..e pano kung?


nung isang araw ko pa ito naiisip. yung tipong naglalakad ako tapos ang bilis ng takbo ng utak ko. tipong di ko mahabol.

pero sinubukan kong sumabay sa sinasabi ni utak.




ano kaya kung.. o pano kung/pag...

ano kaya mangyayari kung bigla ako nakapulot ng 5 piso?
pano kung isang libo?

ano kaya kung makasalubong ko yung taong kinaiinisan ko tapos batiin nya ako?
pano kung di ko dama na batiin sya?

ano kaya kung dumating ang Dyos? pano ko kaya sya sasalubingin?

ano kaya kung nandito si R1? pano ko kaya isasagad ang oras ko sa kanya?

ano kaya kung me kotse ako? pano kung mabunggo ako?

ano kaya kung me sumampal/sumapok sakin? pano ko haharapin yung sitwasyon?

ano kaya kung di ako magsalita ng buong araw? pano kung mapanis laway ko?

ano kaya kung di ako pinanganak? sino kaya ako?

ano kaya marami akong pera? pano kung maubos?

ano kaya wala din ako trabaho? pano kaya ako mabubuhay?

ano kaya kung ako yung namamalimos?

pano kung naka wheelchair ako?

ano kaya kung meron ako eroplano?

pano nga kaya kung nanalo kami sa family feud ng milyon? ano kaya mangyayari?

ano kaya mangyayari sakin sa pagdating ng 2 pang taon?

pano kung maresign ako dito sa kinalalagyan ko ngayon? ano kaya ang gagawin ko?

pano kung dumating yung oras ng kinakatakutan ko?

ano kaya mangayayari?


aktwali, alam ko naman ang ilang kasagutan sa mga sarili kong tanong. may mga oras lang talaga na ganya ako mag-isip?
eto lang tinititigan ko. mission board na ginawa ko nung strat plan namin.

kaya eto nakatunganga. nag-iisip..

No comments:

Post a Comment

sabi mo nga: