Friday, January 2

Nakakaloka na NY!




NAKAKALOKA!




Ganon ko nga lang siguro kaya i-describe ang bagong taon! Kasi naman, merong LPA (low pressure area) sa buong Pilipinas. Naalala ko tuloy, kasalanan ko ba ito!? Ganon ba kami ka-close ni Lord at pinag bigyan ako sa simpleng ala-Wish ko Lang episode nung isang gabi? Ganito kasi yun, me pasok ako ng 31 ng umaga - OO meron ako pasok - at OO holiday ang buong Pilipinas at kaming mga alipin ng call center e nagpapakasasa sa harapan ng computer. Pero me petiks mode pa din :P. Balik kwento - dahil maingay ang mga taga bliss *taon-taon naman kasi sila nag pa-paarrrttteeeee, e di ako makatulog. Sa pagkakahimlay ko sa kama (di pa ako patay), napadasal ako nang taim-tim - sabi ko lang, "Lord, alam ko mabait ka... sana lang po umulan para maaktulog ako ng mahimbing at pag gising ko ng alas kwatro y media e maging maayos buhay ko..." Oppps.. "Amen" kinabukasan na pag-gising ko.

Akalain mo biglang nagkaron ng Low Pressure sa buong Pilipinas at namataan sa bandang Visayas at Mindanao. Daba NAKAKALOKA!? Mabuti na din yun. Walang masyadong usok dahil sa paputok - na save uli si Mother Nature. Infairness, nalugi din yung mga bumili ng bonggang-bonggang paputok. Konti lang din ang naputukan, konti lang ang nag papautok, konti lang ang malilinis ng mga kawawang metro aide. Buti na din na mejo umulan o umambon. Infairness uli mabait talaga si Lord!




Nakakaloka.




31 ng Desyembre. Dalawang beses kami nag count-down kasi advance ang relo ng tito ko sa bahay nila. Akala nila e yun na ang alas dose pero di pala. Inulit namin ang count down eto totoo na... Naglabas na ng wine glass at champaigne OO tama nabasa mo! Nag paka sosyal kami sa pag salubong sa bagong tao. Masarap yung nainom namin. Yung mga tyuhin ko at pinasan isang bonggang grandeng PULANG KABAYO (red horse) ang ninomo. Ako halo. Si Dimple, KALOKA, nalasing sa sipa ng kabayo. Namantala ng katawan. Namula. Ngenge. Bangag. Tulog. Ako, tipsy lang.




KAKALOKA.




Pag-uwi ng bahay. Sipilyo. Hubad damit. *boxers lang tapos. BORLOG.




NAKAKALOKA.




Umaga na. Alas dyes usapan sa simbahan. Dumating ako - Alas onse. Halos wala na ako naabutan. Pero keri lang naman. Nagpasalamat pa din ako dahil sinagot ni Lord ang simpleng ala-Wish ko Lang na dasal.




KAKALOKA.




Umaambon. Pauwi ako sa bahay ni LOLA. Wala pa ako kinakain. Wala pa handa. Me hang-over ang mga tao sa bahay. Ako deadma. Pinainit ko yung pumpkin soup na niluto ni mommy. Me kulang. Dinagdagan ko ng gatas at paminta. Ok na. Tama na lasa. Isang maliit na lalagyan lang. Naubos ko. Tapos inantok ako. Sa sala, habang nag dadatingan ang mga tao - ako, TULOG sa sofa. Keber sa ingay. Tulog. Nakakaloka.




Pag gising ko nag hiyawan sila. Pinakita sa tv ang teaser ng Family Feud. Josme, parang walang bukas. KALOKA. Excited buong pamilya.




Chikahan. Tanggalan ng puting buhok. Inuman. Asaran. Malakas na tunog ng component. Yun ang eksena sa labas ng bahay ni Lola. Ako, nag-tetext. Kalikot ng cell phone. Bored ako. wala ako magawa. Pero dahil Family day at manunuod ng pinakaabangang Family Feud. Di na ako umalis.




Nakakita ako ng bike. Kulay PINK. Sabi ko nga, kanino to!? Kay Bayani Fernando? ampootttsss.. Pink talaga. Parang pag umikot ako sa barangay e sasabihin nila.. So REDANDUNT. Ako deds. Ikot. KALOKA! Marunong pa ako mag BIKE!!! SYET!!!!




Pagbalik ko ng bahay. Naisip ko. Bumili kaya ako ng bike? Para makasama ako sa mga bike trip ni Gavino. Infairness, me bonding na kami nag enjoy pa ako at kasama sa resolution ko magpapayat! Parinig kay mommy - "Mother, bili mo ko Mountain Bike, Now na!" sagot ni Mother, "Sige anak, Ilan!?" Pinatulan ko si Mother, "PITO! Para everyday iba-iba at kumpleto ko ang RAINBOW COLORS!" "Para daig ko bike ni Mayor!" dagdag ko.




KALOKA.




Nilabas ang TV. Dun kasi sa kalsada. Bandang dulo bahay ni LOLA. Naglabas ng mga upuan. Inaabangan ang Family Feud.




NAKAKALOKA LALO.




Pag patak ng alas-sais. SIGAWAN! WHOOOOOOOOO@!@@@@@@@#$$#@%#$^$%&^$% Family Feud na!




KALOKA.




Lahat kami nakatutok sa TV. Kantyawan.




Natapos Palabas. Kainan na naman.




Teka, pinanuod nyo ba ako!?




Paputok uli sila. Sayang kasi kwitis. Di na magagamit pa sa Flores de Mayo.




Umuwi na ako. Iniwan ko sila mommy. Di ko na kaya ang pagsubok. Kelangan ko umernya!




Dun natapos ang Bagong Taon.




Putik, January 2. 2009 na!




Pictures sa Lunes na! Di ko pa nalipat sa CD.

3 comments:

  1. Haha, nakakaloka naman itong post na ito. Masaya sa amin dahil hindi umulan. Marami'ng nagpaputok! Hehe..

    ReplyDelete
  2. yung ulan na sinasabi mo nag kataon lang yon at ayon sa prediksyon talagang uulan , malakas lang ang iyong radar at di muna kailangan si kuya KIM sa ulat ng Panahon - CT

    ReplyDelete

sabi mo nga: