Thursday, January 15

gow na gow sa baguioW!!!



eto na mga friends!

aakyatin namin ang baguio - syempre sasakay kami ng bus. ayaw ko maglakad. LOL

eto pala email ng nanay ko:

Hello mga anak sa pananampalataya,



Meron na tayong house na tutuluyan. Salamat kay Cheng sa matiyaga nyang paghahanap.

Buti na lang at wala syang ginagawa J



Eto ang mga detalye:

Halaga ng bahay- 2500/day

Dec 16-18 total for accommodation –

Share per person – 357.14/day/pax

Fully furnished house wala lang silang fireplace ( sayang paulie, tskness)

Not included: toiletries and towels



Ano ang dadalahin natin:

- Shampoo, soap, toothpaste and toothbrush, towels

- Wag nyong kalimutan na dalin ang sarili nyo

- Magdala ng baraha

- Pinaka importante – magdala ng maraming pera para sa in between

- Makapal na sweater

- Medyas

- Mittens ( kung wala, magdala na lang ng pot holder un ginagamit kapag nag ba bake)

- Snow boots ( malay nyo umulan ng yelo, pangarap lang un)

- Shawl un pang winter ( para feeling nasa London tayo



Ano ang mga bawal:

- Bawal ang naka two piece bikini

- Bawal ang di umiinom

- Bawal ang tahimik



Eto ang mga may AR:

Paul – taga dala ng pang picture

Tiege – gawa ng itinerary ( ano ang mga papasyalan natin at anong araw natin gagawin)

Lyn and Mamush – pwdeng taga luto, pero kung marami tayong pera sa labas tayo kakain para wala ng huhugasan

Cha – taga ligpit ng mga kalat, taga timpla ng kape J

Dimple – taga laba (waaaaaaaaaaaaaaa)



Btw, estimated na gastos ng bawal isa mga 3K (food and accomdation) but if kakain tayo sa labas, syempre, feeling mayaman tayo eh ibang usapan naman un.



Violent reactions/last minute questions, bahala kayo sa buhay nyo!



Ang tanging ina nyo talaga,

Bernie

nakakaloka ang mga sagot ng mga utaw.

nag research ako kung ganong kalamig eto binigay sakin ng internet:



kaya nga nag dala ako ng sando at trunks para sa baguio. :)

pakapalan ito ng jacket. :)

pag balik ko ng manila blog agad ako. dala ko naman si BEAUX and ERA ko. :)

see you on Sunday!

sana maging safe ang trip namin!

happy weekends friends!

No comments:

Post a Comment

sabi mo nga: