"di ba sabi nga you must be complete before someone has to enter your life. don't say you complete me. kasi paano kung umalis na yung tao, di ka uli buo? dapat you go together. mas nadadagdagan kayo. mas parang may volume kayo together, mas may substance na macreate. mawala man ang isa, di ka parang jigsaw puzzle na kulang ng piyesa" --- valedictorian ng row one.
Yan ang sabi ng taga valedictorian ng Row one. Kanya-kanya kasi ng paniniwala sa relasyon. Pero kung iisipin mo, ano nga ba ang tamang depensiyon ng relasyon? Bakit kaya may mga relasyon na talagang di tumatagal? Bakit meron naman pang habang buhay!? Yung tipong kabisado mo ang takbo ng dugo nya mula puso papuntang utak - lalamunan - atay - bituka - paa at kung san pa man dumadaloy ang dugo. Yung kahit tumulo laway niya sa pag tulog e keber lang. Bakit kahit ganong kapanget siya e tanggap mo pa din siya?! Yung tipong kahit anong panloloko o sakit na naidulot nya e mahal mo pa din siya
Gano nga ba kahalaga ang relasyon sa isang tao!? Relasyon nga ba ang 1 lingo or 1 buwan? Tapos sasabihin mo mahal mo siya? Di kaya niloloko mo lang sarili mo? Minsan nga me nag tanong sakin, "Kuya, pano mo ba masasabing mahal po ang isang tao?" Putik na tanong yan. May karelasyon ka at 1 taon na kayo mahigit tyaka mo pa ako tatanungin? Tinanong ko siya, "Bakit mo natanong yan? Ano ba nararamdaman mo para sa jowa mo?"
Ang haba ng txt nya. Parang binasa ni Ate Charo sa MMK. Inintindi ko siya. Nag reply ako. Nagtanong. Para mas lalo ko pa siya maintindhan. Ilang palitan pa at kahit papano naliwanagan ako at siya. "Mahal ko pa nga siya..." Nakakaloka. Alam naman pala niya ang sagot sa tanong niya.
Siguro nga kelangan lang ng isang tao na meron makikinig sa kanya. Sa kanyang pinagdadaanan.
Gaya nang nangyari sakin. (Syet, sharing time.. Syet talaga!)
Ang inyong mababasa ay katotohanan, sadyang iniba ko ang pangalan upang maprotektahan ang mga tauhan. Kung may pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, oras o pangyayari - DEADMA! Wala ako paki-elam! LOL!
"di ba sabi nga you must be complete before someone has to enter your life. don't say you complete me. kasi paano kung umalis na yung tao, di ka uli buo? dapat you go together. mas nadadagdagan kayo. mas parang may volume kayo together, mas may substance na macreate. mawala man ang isa, di ka parang jigsaw puzzle na kulang ng piyesa" --- valedictorian ng row one
Na in-love na din ako. Hindi sa hayop o sapatos. Di din sa damit o lugar. Sa isang TAO - may pakiramdam at humihinga! :P Nung dumating SYA sa buhay ko, akala ko nakumpleto ako - ang aking pagkatao. Maraming mga bagay ang nangyari samin. Maraming magagandang pangyayari. Maraming napagsamahan. Sa loob ng isang taon at isang buwan marami ako natutunan. Isa sa mga yun e natuto ako na magpaliwang sa taong tulog. Yung tipong nagpapahayag ka ng nararamdaman mo pero pag tingin mo e tulog ang kausap mo! Masaya yun! Parang si SISA lang. Natutunan ko din na ang iba't ibang paraan ng komunikasyon. Pag galit ka at di mapakali - kausapin mo sa pamamagitan ng "verbal communication" - personal, daanin sa Text o SMS, o kaya tawagan sa cellphone, o kaya mag email kung wala pa din. Itulog mo nalang. Baka kasi sa panaginip kausapin ka!
Sumunod na natutunan ko, mag alsa balutan pero hindi itutuloy. Palamig lang muna. Mag-inarte. Layas kuno - pero di ko matitiis. Kakanta si Gary V. ng "Babalik ka rin..." at ayun na nga babalik nga at makikiusap. Syet. Hanggang sa maging ok kayo. Parang wala lang. Nag day-off ka lang tapos balik sa trabaho. Papakapagod ka sa kaiisip kung pano mo siya mapapaligaya at magagawa ang nararapat.
Isa pa, natutunan ko na kelangan pag pumasok sa relasyon, marami ka baon - pagmamahal sa sarili, tyaga, effort, pagkamartyr, love, effort, patience, kamartyran, love, effort, patience, martyran at LOVE<>GOMBURZA!
Natutunan ko din na kelangan mahalin mo sarili mo higit pa sa sinuman. Para kahit na ganong kadaming pagmamahal ibuhos mo di ka masasaktan. Masaktan ka man, meron kang reserba.
Nang matapos at harapin ko ang reyalidad na wala na - as in WALA na. Dun ako umiyak. WALA na kasi. Para akong puzzle nga na nag kulang. Ang panget ipa-Frame kasi useless. Walang ganda. Di na pwede ibuo pang muli.
Pero buti nalang me tindahan ako nakita. Nakabili ako ng bago. Bumuo uli. At unti-unti kong natanggap na bago na nga ang puzzle. At hindi lang ito puzzle. Kasi I'll go together. Kung sino man yun. Para at least me volume. may substance. May relasyon. May dahilan. May esensya. May LAMAN. May buhay.
Sa ngayon naghihintay ako ng pagkakataon na dumating. Di na ako puzzle. Natuto na ako.
Sana lang sa pagdating ng bagong mamahalin ko at magmamahal sakin - Kumpleto ako! At handa din siya - kumpleto rin.
nice article! malaman!
ReplyDeletesalamaT carl :)
ReplyDeletedude napaka ganda ng speech muh nabigyan mko ng napaka gandang idea about my speech. i really loveit astig. i will give 11/10 kse napaka ganda talaga. ang di makakaintindi neto ung makitid ang utak.
ReplyDeleteim sure,inlove ang isang to...lol...nice one dude!
ReplyDeletebro ganda ng speech mo..isa aq s mga nagkaroon ng idea s ggawin k n speech...godbless
ReplyDeletebro ang galing mong mag speech heheheheh sana kuninka na nilord.....just kidding...hanep talaga ang galing mo
ReplyDeletehi! naghahanap ako ng speech about love ng madaan ako sa blog mo.
ReplyDeleteThis is so cool so I decided to post this in my blogsite. But i credited you.
Kudos to your cool entries! Keep it up! :)-photskiee
Cool and I have a dandy offer you: How Much Home Renovation Can I Afford cost to gut and remodel house
ReplyDelete