*ipagpaumanhin ang mahabang posting. mahaba ang weekend. madaldal ako kaya pasensya naman. basahin nyo nalang. masaya naman e! :)
friday night - 01.09
after spending 11 hours in the office - I'm finally free! :)
pakatapos ng labing isang oras sa pagakakupo sa harapan ng kompyuter - nakalaya na ako! Inisip ko na magpamasahe - para naman marelax. pero nag "oo" na ako kina GF/Nina. sasama nalang ako sa videoke. Ewan ko kung ano nakain ni POC at maisipang mag videoke.
Instant question: masasabi mo ba ang tao na "ispired" kung ang mga kanta nya e lovesongs? In love nga ba sya? (Dawho!?-walang clue)
tapos videoke nga. music match. nakita pa namin si B - da who ang ka jointforce nya? Hula ko becktas yung isa! Pero si B isang ruler - straight! deads.
pakatapos ng videoke na mahigit 2 oras. uwian na. pero hindi pa! sumama pa ako kumain - Behrouz wilson. dahil hindi pa ako nakakain ng tama - nag yogart shake lang ako. pero di ako nakatiis. ang sarap ng kinakain nila. tinikman ko. masarap nga. dahil subo lunok system ako, naubos ko ang pagkain! LOL! :P
nakauwi na ako alas kwatro ng umaga - shoot. kelangan ko ireskedule ang "date" ko ng alas 4. teks agad ako. wala sagot. zzzzzzzz..
01.10
pagkagising ko - alas onse y medya - putik maaga pa - sakit sa ulo. wala ako choice kundi bumaba at manuod ng tv. sinubukan ko matulog uli - pero madami nag teteks. nakakatamad pero kelangan gumalaw galaw. sa madaling salita. kumilos nga ako. sinubukan ko kumain ng kanin - 2nd attempt for the week - FINALLY! nakakain na din ako! award!
pagkakain, nahiga. tamad mode. pero kilos uli. alas 3 na. alas 4 ang meeting. pucha. tinamad ako pero naligo pa din. inshort, nalate ako! naka dating ako ng megamall ng alas 415.
teks teks kami ni jack - babae sya. nag-iisang klasmeyt ko na matyagang nakikipag kita sakin. ikakasal na kasi. kaya kami nag date. niyaya ko sya na kumain ng crepe - sa megamall. parang bago lang yung kainan. sa atrium. ako umorder - ako nag bayad. naka 400 din ako. pero keri lang marami ako pera! :P
pag kaupo sa pwesto - kwentuhan. madami tanong. kamusta buhay. ano ginagawa mo sa trabaho. personal. tinanong ko kung ano plano nya sa wedding. kung anong mga preparations nagawa nya. tinanong ko din motif ng kasal. nalungkot ako. old rose/pink daw. di ko bet. napaka old fashion. LOL. sabi nya yung nanay nung fiancee nya ang pumili. sabi ko bakit? e sya ba ikakasal? wala ka ba say para mapalitan ang kulay? sagot nya - WALA. peste. kung ako ikakasal walang makikielam. teka, moment nya yun. so ganon na nga. ako ang host ng reception. kinabahan ako. kasi chinese sila. baka mamaya merong mga traditional ek-ek ang mga ganon di ko kayanin. pero sabi nya. typical "modern" wedding daw. so hinanapan ko sya ng program. wala pa daw. June na ang wedding. kamusta naman yun! ni di pa nakakpag ayos ng gown, abay, invitation, venue, minister. kaloka! kelan nila gagawin yun sa april? sa may!? dahil concern citizen ako - nag volunteer ako na kukunan ko sila. pre-nup pics. yes, kala mo kagalingan ako. pero experiment yun! :P
ilang tawanan pa. sabi ko lang kelangan ko na umalis. pero sa totoo lang di pa talaga ako aalis. ang sama ng ugali ko. pero gusto ko kasi kunin yung sapatos ko! pero ayaw ko na gumimik ng me bit bit. nagikot-ikot muna kami.
alas sais.
sabi ko aalis na ako. naghiwalay na kami. papalabas na ako ng mall nang maisipan ko manuod ng sine. nung nasa 3rd floor na ako. napaisip ako - ano panunuorin ko? madaming choices. TWILIGHT - oo di ko pa napapanuod - mas pinili ko kasi non yung indie film kesa sa kanya. kaya maghahabol sana. pero sabi ko parang tagal na ng lumipas. deads na. TANGING INA YONG LAHAT - nakakatawa daw umpisa palang - kaso naisip ko baka bumili si mommy ng pirated - wag na sayang. nauwi ako sa 2 palabas. yung BENJAMIN BUTTON o THE SPIRIT. nakapila na ako sa booth pero wala pa ako desisyon. me lumapit na assitant, parang sa mcdo- advance call ng order. pero sabi ko mauna na yung nasa likod ko undecided ako. sinimangutan ako. tinitigan ko lang. irap! maldita mode. sa cashier nasabi ko lang - THE SPIRIT. putik.
napasubo ako. dun ko napagtanto na sana yung kay pareng Brad nalang. pero wala ng bawian. touch move ang tiket.
sa loob ng sinehan. konti ang tao. free seating. sa baba ako naupo. wala lang. wala talaga tao. walang tumabi o umaura. promise wala talaga - sayang.
ang gulo ng palabas. parang sin city. pero ok naman. nakaktuwa lang makita ang isang straight black guy - SAMUEL L. JACKSON na naka silver na eyeshadow. mukhang siyang trany na pinilit make up-an. tapos ang coat FUR! fabs! AMAZING! infainess, effect si eva mendez - with those bubbey and sexy lips! ang lola SCARTLET - super fabs sa damit at eye glasses! at ang yummy ni bida - Gabriel Macht nag pakita sya ng pwet. ari at kung ano ano pa - ECHOS!!! wholesome yun. abs and chest lang! yummy!
natapos ang palabas. attak sa gayway! tineks ko si nan - walang paramdam ng 1 linggo. tumawag. magkikita kami ng biglaan.
sa GAYWAY (gateway) - pudar ng mga badette, becky, twinks, peppermint, straight, pa-straight at gurls!
sa coffee bean. una ako dumating. nakapila ako para sa order ko - me peppermint na pumasok. kung makatitig kala mo walang bukas. natunaw ako. inisip ko me muta ba ako? panis na laway? alam ko wala. umaaura lang sia. ako - deads.
*putik ang haba na pala! tuloy lang
dumating si nan. kabay ng order ko. sa labas kami na upo. kwento kwento kwento. updates. ang lovelife - rocky. ang karir - magbobloom!
2nd instant question:
pag"A++" ang lovelife, "F" sa karir? or the other way around!? TRUE or not so TRUE?
kwentuhan pa - dumating si Alvin - long lost friend na bumalik from SG. nagpalibre pa ng kape si beckham. me dumating na di kagandahan - si Mother TITS. buti nalang dumating si ykhing.
Sabay diyalog - "Mother, we'll go ahead."
Nan, "sige, sunod ako"
*halatang ayaw ka kuda si mother tits.
exit kaming 3. nagkasalisi gang kami nila Dhey.
sa starbucks - puno ng beckies (please see GAYWAY above).
order kami. dumating na si nan. 5 na kami. dumating si anggo na naka plunging v-neck bubei longsleeves top.
chikahan. updates. uwian na.
di pa nauwi kaming 4. kelangan me pagsalubong sa mapait na kapanganakan ni ykhing.
atak sa PALAWAN2. sagot ni ykhing.
naupo kami sa malapit sa stage. ang daming familiar faces. madaming umaaura. simula na ng okrayan sa pagkanta.
madami nangyari. ang haba ng show ng mga tranny. *pago na ako mag type. ayaw ko na isa isahin ang show!
alas 3 y media. nagplano na ako umuwi. papalabas na sana ko ng me nakipagtitigan. pinigalan ko sarili ko - sabi ko uuwi na ako. ang tagal ko din tumayo sa kanto - kasama si dhey. choosy ako sa cab. infairness, choosy din ang driver. sayang me itsura pa naman. borta. ulam. pero di ako sinakay. syet!
pagkauwi ko ritwales - tulog. echos. nag toothbrush. wash dito. wash dun. palit ng boxers then borlog.
01.11.linggo.
nag simba ako - mabait kasi ako. kasama sa resolutions.
pagkatpos ng simba. atak sa mega - lunch with famiy feud.
mga alas 3 pauwi na sana ako ng nag-ikot pa ako. bumili ako isang board shorts and plain shirt at isang black pinrted shirt. nakakaliw.
nagdesisyon na ako na umuwi. lalaro pa kasi ako.
alas 4 y medya. sa west drive, pasig. para sa badminton. ilan lang kilala ko. huling laro ko - last year. may or di ko na matandaan.
nahirapan ako maglaro. naninibago ako. pero deads. kita ko si crush. at bagong crush. dumating na ang ilan sa mga kilala ko.
tinanong ang nangyari samin ni X. sabi ko ganon talaga. happy naman ako ngayon.
natapos ako alas otso na. nagpunta pa ako sa depsdida ni mother nature. babalik na sila ni father nature sa amerika - lupain ng mga kapitalistang amerikano - opps. sorry.
umuwi ako alas dyes na.
natulog.
grabe na da wik dat was.
isusunod ko nalang mga pikpaks ko!
salamat sa matyagang pagbabasa.
ang sakit sa mata mag basa ha ...kakaaliw naman . CT
ReplyDeletesalamat sa pag titiis CT! :)
ReplyDelete